Seo In-guk bagong Tourism Ambassador ng Pilipinas para sa Korea

Seo In-guk bagong Tourism Ambassador ng Pilipinas para sa Korea

Pauline del Rosario - February 23, 2025 - 11:20 AM

Seo In-guk bagong Tourism Ambassador ng Pilipinas para sa Korea

PHOTO: Facebook/Department of Tourism – Philippines

LALONG matutuwa at kikiligin ang K-Drama at K-Pop fans!

Opisyal na kasing hinirang ng Department of Tourism (DOT) bilang Celebrity Tourism Ambassador ng Pilipinas para sa Korea ang South Korean actor-singer na si Seo In-guk!

Noong Biyernes, February 21, nang lumagda si In-guk ng isang memorandum of understanding kasama ang DOT.

Kitang-kita ang saya sa mukha ng Korean heartthrob habang ginaganap ang seremonya, na na-livestream pa sa Facebook page ng ahensiya.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay ‘yun!

Present sa event sina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, Tourism Promotions Board Philippines COO Maria Margarita Montemayor Nograles, at Neocolors Prod and Advertising Inc. President and CEO Christine Daguno, at iba pang opisyal.

Sa kanyang speech, inihayag ni In-guk ang kanyang pasasalamat at kasabikang maging kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng turismo.

“It feels very nice and it’s an honor for me to be on this stage. I really feel big responsibility as a representative and as a promoter for one country,” sey ng aktor sa Korean language.

Dagdag niya, “I really want to thank everyone for making this happen for me, and I really want to say that I will give back all the love that you gave to me.”

“I will be someone who will promote the Philippines to others in the future. Mahal ko kayo,” mensahe pa niya.

Ayon sa DOT, ang partnership na ito ay magpapalakas pa lalo sa koneksyon ng Pilipinas at South Korea pagdating sa kultura at turismo.

Plano ng ahensiya na isabak ang Korean star sa iba’t ibang promotional activities sa Pilipinas at Korea, tampok ang mga iconic na lugar tulad ng Boracay, Cebu, at Manila.

Si In-guk ay kilala sa kanyang mga iconic na K-drama tulad ng “Reply 1997,” “High School King of Savvy,” “Shopping King Louie,” “Cafe Minamdang,” at “Death’s Game.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, inaabangan din ang kanyang upcoming series na “Boyfriend on Demand “kung saan makakasama niya si BLACKPINK’s Jisoo!

At alam niyo bang nasaksihan ng ilang Pinoy fans ang pagfi-film nina Seo at Jisoo sa Cebu, ngunit wala pang kumpirmasyon kung ito ay para sa latest project nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending