Karen Bordabor inaming on the spot ang pag-host ng fan meeting ni Seo In-Guk: Challenge accepted, bahala na si Lord
INAMIN ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at DJ-host na si Karen Bordabor na on the spot ang hosting stint niya sa fan meeting ng Korean star na si Seo In-guk.
Sa kanyang latest vlog ay ikinuwento nito ang mga detalye kung paano siya inimbitahan para sa naturang event.
Kuwento ni Karen, 12:30 PM na nang makatanggap siya ng mensahe kung saan hinihingo ang number niya. Hindi pa nga niya ito pinansin dahil di naman niya alam para saan ito.
May ipinakita rin itong screenshot kung saan ang sabi ay na-impress daw ang Korean management sa last hosting niya kaya ito ang hinanap na kapalit ni Kristel Fulgar na siyang naunang kunin bilang host ng event.
Nakatrabaho na kasi ni Karen ang Korean management nang kunin siyang co-host ni MJ Felipe sa naganap na fan meet ng 2NE1 member na si Park Bom last June.
“I’m like, ok, challenge accepted! Bahala na si Lord! I just really prayed to give a good show,” pagbabahagi pa niya.
View this post on Instagram
Hindi na rin binanggit ni Karen kung ano ang nangyari at kung bakit biglaan siyang kinuha ng Korean management at nag-focus ito sa pagkukuwento sa mabilisan niyang pagpe-prepare at ang mga naging struggles niya dahil nga on the spot ang trabaho.
Ipinagdasal na nga lang daw niya na maitawid niya nang maganda ang event at hindi naman siya binigo sa kanyang request.
“So, I don’t really know what transpired earlier because that’s none of my business. The point is they needed me that time. I just told myself my mind’s gonna be 100 percent focused on this one. I put my phone down [and told myself], ‘Okay, let’s dive into it’,” pagkukwento ni Karen.
Hindi na nga raw sila nag-run through masyado sa script dahil gahol na rin sa oras kaya labis ang pasasalamat ni Karen na may kaalaman na siya dahil sa naging mga training sa kanyang mga dating trabaho.
“I wanna give a good show. I don’t wanna look like I just arrived, as if I memorized everything. It’s like pretending you know everything but you do not,” sey pa niya.
Nagpaalam rin daw si Karen kung pwedeng mag-off script sa ibang parts ng fan meeting at kung open ba si Seo In-guk sa pakikipagkulitan kasama ang mga fans.
“In a Korean event, you really have to ask permission. They’re very very strict so you have to ask the management if the artist is open to playing around or like doing a couple of things that are not on the script.
“Just feeling the vibe with him, he seemed cool about it. He’s so so so down to earth and he made me comfortable also hosting this event because he was so game,” pagbabahagi ni Karen.
Super happy rin naman siya sa kinalabasan ng event dahil alam niyang maraming moments na babaunin ang mga fans na dumalo kung saan mas naging “closer” sila sa iniidolo.
Related Chika:
Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay ‘yun!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.