Kristel Fulgar sa pagkakakansela ng hosting stint sa fan meeting ni Seo In Guk: Hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan 'yung sarili ko | Bandera

Kristel Fulgar sa pagkakakansela ng hosting stint sa fan meeting ni Seo In Guk: Hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ‘yung sarili ko

Therese Arceo - August 16, 2023 - 06:20 PM

Kristel Fulgar sa pagkakakansela ng hosting stint sa fan meeting ni Seo In Guk: Hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan 'yung sarili ko

EMOSYONAL ang singer-actress na si Kristel Fulgar habang ibinabahagi ang tunay na dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanyang pagho-host sa nagdaang fan meeting ng Korean singer-actor na si Seo In-Guk.

Sa kanyang YouTube vlog na uploaded nitong Martes, August 15, ibinahagi niya ang mga naganap sa kanyang rehearsal bilang paghahanda sa kanyang pagho-host sa event ngunit sa kasamaang palad ay biglang hindi na ito matutuloy.

“First time kong naka-experience ng ganitong scenario sa 20 years ko sa industry ng entertainment. Nandito na ako 7 a.m. Nag-rehearse and then eventually, sinabihan ako ng [Korean technical] director na hindi na raw ako magho-host,” pagbabahagi ni Kristel.

Dagdag pa niya, “Parang, huh? Sandali lang naman, parang ano nangyari? Parang ang tagal ko ‘tong prinepare, ang tagal ko prinepare ‘yung sarili ko dito. Wala akong ibang tinanggap na hosting kung hindi ito lang event na ‘to. Kasi nga, dahil para kay Seo In-guk, alam ko hindi naman ako super expert sa hosting, pero alam ko na kaya ko kumonek sa kapwa ko fans ni Seo In-guk.”

Ikinuwento rin ni Kristel na 11 years na siyang fan ng Korean star at kahit alam niyang hindi niya forte ang pagho-host ay tinanggap niya ito hindi lang bilang fan kundi bilang representative rin ng iba pang fans ng binata.

Aminado naman siya na hindi pa 100% ang energy na ibinigay niya habang nagre-rehearse na siyang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanyang pagho-host. Umasa siya na bibigyan siya ng pagkakataon na ipamalas ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nangyari.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar na-meet nang personal si Seo In Guk, thankful kahit ‘di natuloy ang pagho-host sa fan meet ng Korean star

Kuwento pa ni Kristel, “Since, rehearsal ‘yun hindi ako sanay na ibigay ‘yung 100% energy ko, so, kung nakulangan sila sa energy dun the rehearsal. Sabi ko po, ‘I will do my best’. Nag-e-expect ako na ipapaakyat ulit ako sa stage para mapakita ko ‘yung 100% na sinasabi ko, pero hindi raw.

“And currently nag-contact na sila ng ibang host. Sinasabi nila gusto lang namin ng magiging event, hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ‘yung sarili ko.”

Ang kinuhang kapalit ni Kristel bilang host ay ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at DJ na si Karen Bordabor.

Sa kabila naman ng hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon pa rin ng pagkakataon ang dalaga na makita nang personal si Seo In-guk.

Bukod pa sa intimate meet up nila ng iniidolo ay nagkaroon pa ng chance si Kristel na magkaroon ng selfie at maka-duet at makachikahan si Seo In-guk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kristel Fulgar ibinandera ang unang TV guesting sa Korea: I just accepted this project just for fun

Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending