Seth Fedelin pangarap maging action star: 'Gusto kong masubukan kung paano makipagsuntukan' | Bandera

Seth Fedelin pangarap maging action star: ‘Gusto kong masubukan kung paano makipagsuntukan’

Ervin Santiago |November 08,2023
facebook
share this

Seth Fedelin pangarap maging action star: ‘Gusto kong masubukan kung paano makipagsuntukan’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 07:20 AM

Seth Fedelin pangarap maging action star: 'Gusto kong masubukan kung paano makipagsuntukan'

Seth Fedelin at Francine Diaz

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gustong subukan ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin ang maging action star.

Bukod daw sa romcom, isa sa mga dream projects ni Seth ay ang makapag-action kasama pa rin ang kanyang ka-loveteam na si Francine Diaz.

Sa muling pagpirma niya ng exclusive contract sa ABS-CBN, wishing and hoping na mabigyan pa siya ng challenging at magagandang proyekto para maipakita niya sa madlang pipol ang iba pa niyang kayang gawin.

“Gusto kong makita kung paano makipagsuntukan, gusto kong pumasok sa action.

“Gusto ko ring ma-try romcom, at siyempre gusto ko ring maipakita sa mga Kapamilya natin ‘yung talent ko sa pagkanta,” ang pahayag ng binata sa pakikipagchikahan niya sa members ng press.

“Mayroon pong aabangan especially po sa amin ni Francine pero hindi ko pa po muna pwedeng sabihin sa ngayon.

Baka Bet Mo: Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

“Gusto naming ma-try ‘yung romcom kasi pinanggalingan po namin ‘yung ‘Fractured,’ so mabigat din pong drama,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Nagpasalamat naman si Seth sa manager niyang si John Ling na siya ring nagma-manage sa screen partner niyang si Francine.

“Masaya ako dahil parehas kami ng manager ni Francine. Para sa akin, mas mapapadali ‘yung mga bagay-bagay  mas mapapadali ‘yung proseso at siyempre indibidwal.

“Happy ako dahil mayroon pang isang dumagdag na makakatulong po sa akin sa pag-abot ko ng pangarap ko at sa aming dalawa ni Francine,” aniya pa.

“Swak na swak kasi kami po ni Tito John, magkakilala na po kami talaga ni Tito John. Mayroon na rin po kaming mga memories na nabuo ni Tito John.

Baka Bet Mo: Francine Diaz umamin na sa tunay na relasyon nila ni Seth Fedelin, 3 buwan na nga bang magdyowa?

“Si Tito John pa na alam kong pinagkakatiwalaan ni Francine, pinag-usapan po namin ‘yan, kaya tinanggap niya ako,” sabi pa ni Seth.

Samantala, gusto rin daw makatrabaho ni Seth ang box-office star at award-winning actor na si John Lloyd Cruz at ang Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino.

Nauna rito, masaya ring ibinahagi ni Seth na marami na rin siyang naipundar simula nang magtrabaho siya sa showbiz.

“Ipinapagawa ko yung bahay ng parents ko and ang sarap lang sa pakiramdam. Iyayabang ko lang po ah, 21 ako at nabigyan ko ng bahay yung mga magulang ko. Kahit anong mangyari makakatulog sila, makakapagpahinga ng maayos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dahil yun sa ABS-CBN at siyempre sa mga boss natin na nagtiwala talaga sa akin. Nakikitaan nila ako ng pagsusumikap siguro,” sabi pa ng young actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending