Francine Diaz umamin na sa tunay na relasyon nila ni Seth Fedelin, 3 buwan na nga bang magdyowa? | Bandera

Francine Diaz umamin na sa tunay na relasyon nila ni Seth Fedelin, 3 buwan na nga bang magdyowa?

Reggee Bonoan |September 24,2023
facebook
share this

Francine Diaz umamin na sa tunay na relasyon nila ni Seth Fedelin, 3 buwan na nga bang magdyowa?

Reggee Bonoan - September 24, 2023 - 09:36 AM

Francine Diaz umamin na sa tunay na relasyon nila ni Seth Fedelin, 3 buwan na nga bang magdyowa?

Seth Fedelin at Francine Diaz

DIRETSONG tanong ni Ogie Diaz kina Francine Diaz at Seth Fedelin kung nanligaw ang aktor sa aktres na agad namang sinagot ng, “opo” ng dalaga.

Nakausap ng talent manager at content creator ang tambalang FranSeth sa kanyang YouTube channel na in-upload kagabi.

Natatawa naman ang binata sa mga sagot ng ka-loveteam kaya ang sabi ni Francine kay Seth, “I think okay lang naman kung aminin na natin?”

Balik-tanong ni Ogie na dati ang sagot ng aktres ay “hindi sila.”

“Hindi pa po kasi noon dahil recent lang,” kaswal na sagot ni Francine.

“Ah, tinago n’yo?” reaksyon ni Ogie.

“Para alam na po nila (sabay turo sa magulang na wala sa harap ng kamera) ng family,” sabi ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Biglang sabi ni Seth, “Hindi ako handa ro’n, ah!”

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Francine.

“Wala lang hindi ako handa sa sagot mo,” katwiran ng aktor.

“(Bakit) totoo naman, eh!” tila nainis ng sagot ng Chin (palayaw ng aktres).

“Oo nga, e, hindi ako handa sa sagot mo,” diin ni Seth.

Tanong ni Ogie, “So, ‘yun ang dahilan kung bakit hindi ninyo inamin, ayaw ninyong maging public?”

“Opo,” tumatangong sagot ni Seth.

Baka Bet Mo: Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Biglang nagseryoso na ang dalawang bida ng iWantTFC series na “Fractured” at inaming tatlong buwan na ang kanilang relasyon.

“Ganu’n na po and counting,” nakangiting sambit ni Francine.

Sabi kaagad ni Ogie, “First time ninyong sinabi dito, ha? Kahit sa presscon (hindi ninyo inamin)?”

“Opo, first time, wala po (sinabi sa presscon ng Fractured),” say pa ng aktres.

Tumatawa ang aktor at sabay tanong sa ka-partner, “Three months?”

“Hindi mo ba binibilang?” balik-tanong ni Francine kay Seth.

Dagdag pa, “Hindi mo binibilang? Akala ko aware ka sa date?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Sabay paliwanag ni Chin, “Nanliligaw na po siya pero talagang ayaw pa po namin ikuwento o i-share outside kaya po siguro dininay niya (Seth) po, but nanligaw na po siya no’n.”

Ang mga katangiang nagustuhan ng dalaga sa binata ay mapagmahal ito sa pamilya niya, “Saka ‘yung respeto po niya hindi lang sa akin, mas sobra pa po sa pamilya ko sa ugali po ‘yun, saka ang eyes niya.”

Sabi naman ni Seth ang mga nagustuhan niya kay Francine ay, “Yung pagiging mabuti niyang anak at kapatid kasi parehas po kami at saka po ‘yung values na naituro ng magulang niya sa kanya.”

Samantala, panay ang bulong ni Seth kay Francine kung bakit napunta sa relasyon nila ang usapan.

“Seryoso ba talaga? Walang nagsabing ganito ang (takbo) ng interview?” nakangiti si Seth pero halatang nagulat.

“E, nagtanong na si Mama Ogs, eh,” katwiran ni Chin.

Tanong ni Ogie kung hindi pa handa si Seth ay pinapa-cut nito ang pagrolyo ng camera.

Pigil ang inis na sabi ng aktres, “Napag-usapan na natin ‘to, sorry mama Ogie.”

Opinyon ni Ogie, “Siguro kasi mapapahiya siya, ikaw nagki-claim tapos siya pa ‘yung (tumatanggi).”

Sabi kaagad ng aktres, “Cut na lang po siguro ‘yung part na ‘yun na tinanong if kami (na).”

Pinipigilan naman ni Seth ang sinabi ng dalaga, “Hindi pa naman kasi ngayon dapat pag-usapan, eh.”

“Cut na lang po,” sabi ulit ni Francine.

Tanong naman ni Ogie kay Seth, “Ikaw ba kapag nakipagrelasyon ayaw mo ng ina-announce in public?”

“Pinag-iisipian ko po munang mabuti kung ito na ‘yung tamang time,” katwiran ng binata.

“So, hindi ko pinag-isipan mabuti?” tanong agad ni Chin kay Seth.

Pabulong na nagdidiskusyon ang dalawa na maririnig sa aktor na wala sa usapan nilang may ganitong aminan at nakasimangot naman ang aktres.

“Hindi lang ako handang pag-usapan ‘yung ganito,” sabay lambing kay Francine.

Sabi pa, “Sorry po, tuloy na po (ang interview).”

“Hindi pa siya ready na umamin, tito, okay lang po,” malungkot na sagot ng dalaga.

Sabi ulit ng dalaga, “Magsinungaling ka na lang, sabihin mo hindi totoo.”

At inulit nga ni Ogie ang tanong kung hindi ba napunta sa pag-iibigan ang kanilang loveteam na sinagot ng dalaga na hindi dahil pinag-usapan nila na hindi mahaluan ng emosyon ang kanilang loveteam bago pa nagsimula ang “Dirty Linen” na una nilang teleserye bago ang “Fractured.”

“Kasi sa tingin ko po ‘yun lang ang makakabuti sa loveteam on and off screen po kasi it’s better kung walang feelings kasi baka pag nag-away hindi naman masabi ‘yung totoo, baka madamay pa ‘yung ibang tao (kapag may shoot) kaya sabi ko talaga walang feelings at hangga’t maaari pigilan,” pahayag ni Francine.

“Bawal din po kasi siyang ligawan sabi po ni Tita (mommy ng dalaga) kaya…” saad ng binata.

“Ako po talaga ang may ayaw!” diin ni Francine.

“Hala, ang galing ah, galing,” napapangiting sabi ni Seth.

At dahil naguguluhan na ang aktor at nagkatawanan na sina Francine at Ogie kaya sinabi na sa kanya na pina-prank siya.

“Kaya pala, hindi ko alam dapat ko ba siyang saluhin? Tita… (sabay tawag sa mommy ng dalaga),” sambit ni Seth.

“So, dito natin napatunayang wala silang relasyon at hindi rin nanliligaw si Seth at sila’y nananatiling magkaibigan. Hindi ka nga ba manliligaw?” tanong ni Ogie kay Seth.

“Hindi natin masasabi pero sa ngayon wala pa po,” kaswal na sagot ng aktor.

Anyway, mapapanood ang “Fractured” sa iWantTFC at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment tuwing Biyernes na nagsimula na noong Setyembre 15.

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending