Gwen Apuli posibleng kumalas sa BINI, true kaya ang hula ayon kay Ogie?

Gwen Apuli, BINI
NAGDAAN nanaman ang Chinese New Year kaya maraming hula ang naglalabasan kaugnay sa ilang sikat na celebrities at personalidad.
Kabilang sa mga nahulaan ay ang nation’s girl group na BINI, ayon sa latest “Showbiz Update” ng showbiz insider na si Ogie Diaz, kasama si Mama Loi.
Kwento ni Ogie, may nakausap siyang manghuhula at ilan lamang sa mga tinanong niya ay ‘yung kapalaran ng ilang Pinoy pop groups.
Una raw niyang itinanong ang SB19 na magiging okay raw ang karera.
“Minsan solo sila, pero marami pa rin ang pagkakataon na nagkakasama-sama sila,” saad niya.
Baka Bet Mo: BINI Gwen nakiusap ng ‘privacy’ sa fans, Lea Salonga relate na relate
Chika pa ng talent manager at vlogger, “So ang sabi ko, ‘Eh ‘yung BINI? Ano ang hula mo sa BINI?’ Ang sabi sakin, meron isang aaklas. Merong isang magso-solo.”
Nag-react naman agad si Mama Loi: “Huh?! Eh ano na mangyayari sa BINI? Mabubuwag na ba sila?”
Ang sagot sa kanya ni Ogie, “Ang sabi sakin ng manghuhula, feeling niya, isa lang [ang aalis] so matitira lang pito…’Yun nga, may isang magso-solo. In the future, ganun naman daw ang posibleng mangyari.”
Nang tanungin naman ni Mama Loi kung kung sino sa mga miyembro ang aalis.
Ang chika ni Ogie, “Ang sabi niya, si Gwen! Si BINI Gwen.”
Hirit ng kanyang co-host sa YouTube vlog, “Hindi ba sila magiging SB19 na may nagso-solo, pero SB19 pa rin sila?”
Ani naman ng showbiz insider, “Ay sana nga ganun ‘no na pwede silang imbitahan ng solo, pero may pagkakataon talaga o mas madalas na magkakasama sila. Pero ‘yun lang ang nabanggit na pangalan eh.”
Nabanggit din ni Ogie na naimbitahan siya sa renewal of contract ng BINI sa ABS-CBN kaya susubukan niya raw tatanungin ang naging hula sa grupo.
Gayunpaman, pakiramdam ni Ogie na malabong mangyari ito, lalo na’t successful ang girl group.
“Ako naman, malakas ang pakiramdam ko since naging successful sila bilang grupo, feeling ko me-maintain nila ‘yan o su-sustain nila ‘yan. ‘Yung mga ano, hula-hula lang naman ‘yan. Siyempre sa hula pwedeng totoo, pwedeng hindi,” sambit niya sa vlog.
Aniya pa, “Basta aalamin naman natin sa kanila kung totoo ba ‘yung hula or hindi magkakatotoo ang hula.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.