Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending! | Bandera

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Ervin Santiago |June 07,2022
facebook
share this

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Ervin Santiago - June 07, 2022 - 02:38 PM

Francine Diaz at Seth Fedelin

PINUSUAN at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang sweet photos together ng bagong Kapamilya loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Mas lalo pang na-excite ang kanilang respective supporters nang mag-post ng mga bago nilang litrato sa social media ang dalawang youngstars nitong nagdaang weekend.

Kuha ang kanilang mga latest photos sa backstage ng “ASAP Natin To” last Sunday pagkatapos ng kanilang production number.

Unang nag-post si Seth sa kanyang Instagram account ng litrato ni Francine na siya mismo ang kumuha. Wala siyang inilagay na caption dito kundi ang camera at blue heart emoji.

Ilang litrato naman ang ibinahagi ni Francine sa kanyang IG page kabilang na ang photo nila ni Seth na magkasama at super smile. Ang mga solo pictures naman niya ay kuha raw ni Seth.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Sa caption, pinasalamatan ng young actress ang mga fans nila ni Seth na nanood ng performance nila sa “ASAP.”
Kasunod nga nito ay bumuhos na ang mga nakakakilig na comments ng netizens at halos lahat sila ay nagsabing bagay na bagay sila sa isa’t isa.

Sey naman ng kanilang supporters, atat na atat na silang mapanood ang unang project ng “FranSeth” bilang magka-loveteam, ang ABS-CBN series na “Dirty Linen”.

Ayon sa isang netizen, sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan sa totoong buhay dahil kahit noong sumisikat pa lamang ang grupo nilang The Gold Squad kasama sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ay nararamdaman niyang mas bagay na loveteam sina Seth at Francine.

“Kayo nalang huhuhuh fav love team!”

“GRABEEEEE NAMAN PASABOG FRANSETHHH!”

“Mas maganda sana if magshuta hahahha para d fake ang pakilig s fans.”

“Actually kahit wala nman clang gawin magkatingin lang nakakakilig na eh .. effortless ung pagppakikilig nila even before na hindi pa cla official na LT.”

“WALA NA HULOG NA HULOG NA KO SENYO!”

“LORD GRABE KA NMAN MAG BIGAY AYUDA, MORE PA!”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments sa IG page ni Seth. Kaya alam na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating katambal ni Francine ay si Kyle habang kay Andrea naman itinambal si Seth.

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending