Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters Bandera

Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Ervin Santiago |January 25,2023
share this

Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Ervin Santiago - January 25, 2023 - 08:10 AM
Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Seth Fedelin at Francine Diaz

HANDANG-HANDA na si Francine Diaz sa anumang masasakit na salitang ibabato sa kanya ng mga bashers ngayong sila na ni Seth Fedelin ang magka-loveteam.

Nagsimula na last Monday ang latest Kapamilya series na “Dirty Linen” na siyang launching project ng tambalang FranSeth.

Dating ka-loveteam ni Francine ang kasamahan nila dati sa Gold Squad na si Kyle Echarri habang si Seth naman ay naging partner ni Andrea Brillantes sa harap ng mga camera at sa totoong buhay.

Dahil dito, nagpalitan ng maaanghang na salita ang fans ng apat na Kapamilya youngstars. May mga kumalat pa ngang chika na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng apat na miyembro ng The Gold Squad.

Sa naganap na presscon ng “Dirty Linen” last January 17, ay natanong si Francine kung nakaramdam ba siya ng takot o pangamba sa pagtatambal nila ni Seth.

“Actually, nalaman ko lang din, na-discover ko lang din sa sarili ko na prepared na ako na maka-work din si Seth and kung anuman ang sabihin ng mga tao habang ginagawa na rin namin ang show.


“Siyempre nu’ng in-offer sa amin, nandun yung kaba and yung doubt sa aming dalawa ni Seth, siyempre sa magiging eksena namin sa sa magiging reactions ng mga tao.

“Habang ginagawa naman yung show alam ko na prepared na ako sa kung anuman ang ibabato nila sa akin,” tugon ng dalaga.

Dagdag pa ng dalaga, “Kinabahan ako, but yung takot di naman dahil sa fans. Yung takot was baka hindi namin magawa na ayos yung work namin, baka ma-disappoint namin sila Sir Deo (Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment).

“Siyempre hindi lang ito basta-basta na serye na binigay sa amin, talagang kailangang paghandaan din. Mas more on sa ganu’n,” aniya pa.

Kung matatandaan, grabe ang naranasang pamba-bash ni Francine nang maghiwalay sina Andrea at Seth. Idinamay kasi siya  ng mga fans sa breakup ng dalawa.

“Hindi naman sa iniyakan but like sobra lang akong nalungkot and I felt so disrespected, kasi ang dami nilang sinasabi na hindi naman totoo.

“Siyempre I didn’t get the chance to defend myself na sa sarili ko talaga nanggagaling. But it’s in the past na, move on na naman tayo du’n, yun lang,” sabi pa niya sa nasabing panayam.

Inalala rin ni Francine ang ginawang pagtatanggol sa kanya ng ina noong panahong yun, “I think we all know naman kung ano ang ginawa ng mom ko. Di naman siya bad kasi siyempre nanay and of course my other relatives din. Lahat naman nanggaling din dahil sa pagmamahal nila sa akin, sa pag-aalaga.

“They know me so well kasi kaya ganun ang reaction nila, but like I’ve said, it’s in the past so move on na. Talagang prinotektahan lang ako and they make sure na hindi talaga ako masyadong nakakakain ng mga hate comments,” dagdag pa niyang pahayag.

May nagtanong din sa dalaga kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Seth, “Okay naman, parang we’re still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We’re getting to know each other.

“Manligaw? As of now talagang work and we’re professionals. Work is work and that’s it,” katwiran pa ni Francine.

Magdyowa na nga ba sina Seth Fedelin at Francine Diaz?

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending