Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room Bandera

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Reggee Bonoan |April 12,2022
share this

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Reggee Bonoan - April 12, 2022 - 07:56 AM

Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz at Ricci Rivero

PAGKATAPOS ipagtanggol ni Seth Fedelin ang kanyang ka-loveteam at ex-girlfriend na si Andrea Brillantes sa mga bashers matapos sagutin si Ricci Rivero ay ang aktres naman ang nagbigay ng official statement kagabi through Instagram live.

Ang caption ni Blythe (tunay na pangalan ni Andrea) sa ipinost niyang video sa social media, “This is my truth. You can do whatever you want with it basta masaya na po ako.

“I love you all so much wala nang away-away please thank you. Btw, yes gumawa po ako ng script beforehand kasi I didn’t want to miss out on any detail and my statement will remain composed and clear for everyone,” aniya pa.

Bungad naman ni Andrea sa ginawang video, “Hi po sa lahat, first time ko lang itong gagawin and I hope this will be the last. First, I would like to say thank you kay Seth Fedelin for speaking up. Thank you Ali (term of endearment nila) dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin ako pinabayaan.

“Alam ko na these past few months ay napakahirap para sa atin, para sa ating dalawa, para sa ating lahat and I have my respect for you dahil kinaya mo pa rin akong ipagtanggol at alam kong gustung-gusto mo na ring magsalita,” sabi ng dalaga.

Ayon sa aktres ay gusto na lang sana niyang manahimik at lunukin lahat ng salitang ibinabato sa kanya ng mga tao.

“But here I am at my happiest moment at madami rin pong nadadamay at nababanggit ang mga pangalan kahit hindi naman nap o dapat. At mas lalo pa pong dumadami ang mga fake news.

“Hindi ko na po pahahabain pa, here’s is the side of my truth and I hope you would all listen or at least give me a chance to explain,” nakangiting sabi ng dalaga.

Inamin din ni Blythe na naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na sa simula ay hindi muna niya binanggit ang pangalan ni Seth.

“We broke-up last year, early October ‘yun and it was a painful break-up but it was a mutual decision ‘yung paghihiwalay namin.  We both love each other truly and deeply.

“We learned so much from each other and in the end, we realized na we weren’t growing as individuals na.

“Lahat ng fake news at pag-a-assume n’yo sa relasyon namin hindi po totoo ‘yun. We ended in good terms at ‘yun naman ang importante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“We promised each other na magpapatuloy pa rin kami sa work namin because we love each other as friends and we also like the company of each other as actors at gusto naming matupat ang pinag-usapan namin two years ago para sa mga pangarap namin.

“Basta nirerespeto ko si Seth Fedelin at nirerespeto ko ang love team namin at mahal na mahal ho namin ang fans namin,” mahabang paliwanag ng dalaga.

Inamin din ang pagiging emosyonal niya na nailabas niya sa social media, “Kaya this is always think before doing something at aaminin ko, my mind was too crowded with sorrow and forgot to think about what will happen next and how could this affect me and people around me.”

May binanggit na larawan si Andrea na nakita niya at ito ‘yung magkakasama sina Seth at ang buong pamilya ni Francine Diaz sa bahay ng dalaga noong Bagong Taon.

“I have no contact when I saw the pictures, so, I made a TikTok that everything gets worst. I know that I should have asked first or I should have consulted my managers before posting or sana nanahimik na lang ako. Pero sana guys maisip n’yo na tao lang din ako.

“And it was my first heartbreak, so, hindi ko talaga alam kung paano iha-handle but I couldn’t blame you guys kasi never naman kami nag-out sa relationship namin kaya kahit sinasabi ng mga tao na wala akong karapatan kasi never naman naging kami masakit kasi actually naging kami (Seth) for two years and three months.

“Kaya nga I used that song (Lose You to Love Me – Selena Gomez) because the lyrics in that song was the most accurate and relevant to what I was feeling.  Wala rin naman akong sinisisi, ayokong manira ng tao. Nagulat lang din ako and I was just really hurt kasi kaibigan ko pa ‘yung kasama,” paliwanag ni Andrea.

Kaya nagbigay ng payo ang aktres na kapag emosyonal at may halong galit ay mag-pause muna at huminga ng malalim bago mag-post dahil baka matulad sa kanya na labis niyang pinagsisihan.

“Pero para sa akin naman it’s not foolish to post your emotion online because sadness is a natural and valid feeling for a human being to feel,” sambit pa ng dalaga.

At pagkatapos niyang i-post ang TikTok na kumakanta siya ng “Lose You To Love Me” ay maraming fake news na ang kumalat.

“Wala pong totoo roon, hindi ko po dyowa ‘yung mga pinagkalat n’yo na kasama kong lalaki sa pictures at pinaka-importante po sa lahat, hindi po ako nanugod (kay Francine Diaz) sa dressing room. Hindi po talaga,” nakangiting diin ni Andrea.

Masaya ang puso ngayon ni Andrea dahil sila na nga ni Ricci at sana raw ay matutunan ding maging masaya ang lahat para sa isa’t isa. Sabay panawagan na malapit na ang eleksyon at bumoto nang tama.

“Vote wisely, tama na po ang away, let’s all love. Salamat sa mga naniwala at hindi naniniwala. Sa mga naniwala, I’m just happy na nailabas ko na lahat,” masaya pang sabi ni Blythe.

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending