Magdyowa na nga ba sina Seth Fedelin at Francine Diaz? Bandera

Magdyowa na nga ba sina Seth Fedelin at Francine Diaz?

Ervin Santiago |January 18,2023
share this

Magdyowa na nga ba sina Seth Fedelin at Francine Diaz?

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 09:38 AM
Seth Fedelin nanliligaw na nga ba kay Francine Diaz?

Seth Fedelin at Francine Diaz

FINALLY, may sagot na sa tanong ng fans at mga Marites all over the universe kung magdyowa na ba ang bagong Kapamilya loveteam na sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Kagabi, sa naganap na grand presscon ng pinakabagong drama series ng ABS-CBN na “Dirty Linen”, sinagot na nina Francine at Seth ang tungkol sa napapabalitang nagkakamabutihan na raw sila ngayon.

Ang paniwala kasi ng ilan nilang supporters ay hindi lang sila basta friends dahil nag-level up na raw ang kanilang relationship status na nagsimula nga nang magtambal at gawin nila ang “Dirty Linen.”

Natanong si Seth sa nasabing mediacon kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nila ni Francine na first time niyang makakatambal sa isang teleserye.

“Sobrang saya kasi kaibigan ko itong si Francine, e. Kaibigan ko, dati…” ang nakangiting pahayag ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Kaya naman ang sundot na tanong ng mga miyembro ng showbiz press sa kanya, “E, ngayon?”

“Saka na siguro,” natatawa nitong sabi. Aniya, itinuturing niya ang dalaga bilang “best friend.”

“Matalik kong kaibigan talaga itong si Francine. Happy ako dahil nagwo-work kami. Nagiging team kami kapag nasa set na kami. And kahit wala sa set,” paliwana ni Seth.

Feeling proud and pressured daw ang bagong Kapamilya loveteam sa una nilang project as screen partners pero ginawa raw nila ang kanilang “best” para hindi mapahiya sa Dreamscape Entertainment at sa manonood.

Sabi ni Francine tungkol sa napakainit na pagtanggap ng mga fans sa tandem nila ni Seth, “We wouldn’t say na sobrang lakas kasi first time po namin ito (as love team) na magkasama sa isang show. Pero siyempre grateful po kami sa love and support nila.”

Unang nagkatrabaho ang dalawang bagets sa ABS-CBN series na “Kadenang Ginto” at “Huwag Kang Mangamba” pero ang partner pa noon ni Seth ay si Andrea Brillantes habang si Kyle Echarri naman kay Francine.

Makakasama rin ng magka-loveteam sa “Dirty Linen” sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo na mapapanood na sa January 23 sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending