Seth Fedelin binalikan ang kuwento ng P500 na inutang ng ama para makapag-audition sa PBB: 'Sabi ko kay Papa, yung limang daan niya tumubo na' | Bandera

Seth Fedelin binalikan ang kuwento ng P500 na inutang ng ama para makapag-audition sa PBB: ‘Sabi ko kay Papa, yung limang daan niya tumubo na’

Ervin Santiago - June 14, 2023 - 07:33 AM

Seth Fedelin binalikan ang kuwento ng P500 na inutang ng ama para makapag-audition sa PBB: 'Sabi ko kay Papa, yung limang daan niya tumubo na'

Seth Fedelin

TANDANG-TANDA pa ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin ang P500 na inutang ng kanyang magulang para makaluwas ng Manila at mag-audition sa “Pinoy Big Brother” at “Star Hunt” ng ABS-CBN.

Kuwento ni Seth, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naiahon na niya sa kahirapan ang kanyang pamilya at nabigyan na niya ang mga ito ng magandang buhay.

Pinapangarap lang daw niya noon na maregaluhan ng bahay ang kanyang tatay pero ngayon nga ay hindi lang sariling house and lot ang nabili niya kundi nabigyan din niya ang kanyang pamilya ng bonggang farm sa Cavite.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


“Ano kasi ‘to sanay kami sa probinsya so nu’ng pumunta kami dito sa Cavite tapos nalaman ‘to ni Papa last year lang din ay agad ko nang kinuha,” ang chika ni Seth sa interview sa kanya ni Karen Davila para sa YouTube channel nito.

Napakalaki na raw ng pagbabago sa kanilang farm mula noong nabili nila ito noong nakaraang taon. Ang tatay lang daw niya ang nag-asikaso at nagpaganda rito.

“Dati kasi puro talong ‘to tapos ini-unit-unti ni papa. Lahat po nang nakikita niyo dito si Papa lang may gawa,” ani Seth.

Samantala, sa tanong kung na-imagine ba niya ang sarili na makikilala at sisikat sa mundo ng showbiz, “Sa totoo lang po hindi. Dahil wala akong kompyansa sa sarili kasi dati ting-ting po ako eh, sa kalsada lang palagi.”

Baka Bet Mo: Napakain ko ang pamilya ko dahil sa social media!

Sa totoo lang daw, nagdalawang-isip pa siya noon kung itutuloy ang plano niyang mag-audition sa PBB.

“Una napanood ko po ‘yung ads sa TV ng Star Hunt sa ABS-CBN po at sabi ng tatay ko i-try ko daw.

“Tapos sa akin ‘yun parang sige gusto ko pero meron akong pangawalang iniisip na ‘Baka wala naman akong mapuntahan, sayang lang naman ang pagod ko dito.’

“Parang may sumipa sa akin na i-try ko ‘to baka kapag sinubukan ko ‘to baka may magbago sa buhay namin,” paglalahad ng ka-loveteam ni Francine Diaz.

At dito na nga niya naikuwento ang tungkol sa baon niyang P500 para sa pamasahe at pangkain niya noong nag-audition siya sa “PBB”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


“Tinray ko po ‘yun, pumunta ako sa Arenta (Coliseum) ‘yun dala ko lang po 500 pesos. Inutang pa ‘yun nila papa ‘yung 500 pesos na ‘yun, pamasahe ko, pangkain ko don.

“At sa awa ng Panginoon nung naging artista ako sabi ko kay Papa ”Yung limang daan mo tumubo na,”‘ pag-alala pa ng binata.

Sa ngayon, maganda na nga ang buhay ng pamilya ni Seth, “Sabi ko nga kay Papa may motor ka na, tatlo ‘yung sasakyan natin, ang yabang eh noh, proud lang naman po ako.”

“Nabilhan ko na kayo ng bahay, ang laki nito (ng farm), nakakakain tayo sa mga ganyan, nakakasakay na tayo ng eroplano, may passport na tayo. ‘Yung ganun na dati hindi namin nakikita na kaya naming marating, ‘yung ganu’n,” ang proud na proud pang pahayag ni Seth.

Seth Fedelin walang luho sa katawan: Ang pera ko pampaaral, pambayad sa bills, sa bahay…lahat sa akin po talaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending