Seth Fedelin inamin kung bakit wala pang girlfriend, inaantay nga ba si Francine? | Bandera

Seth Fedelin inamin kung bakit wala pang girlfriend, inaantay nga ba si Francine?

Therese Arceo |June 02,2023
facebook
share this

Seth Fedelin inamin kung bakit wala pang girlfriend, inaantay nga ba si Francine?

Therese Arceo - June 02, 2023 - 06:04 PM

Seth Fedelin inamin kung bakit wala pang girlfriend, inaantay nga ba si Francine?

ISANG pasabog ang inilabas ng Kapamilya actor na si Seth Fedelin kung bakit nga ba sa ngayon ay wala pa rin siyang dyowa.

Sa kanyang panayam kay Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan nila ang kasalukuyang niyang ka-love team na si Francine Diaz.

Pag-amin ni Seth, isa ang dalaga sa mga itinuturing niyang pinakamatalik niyang kaibigan sa industriya.

Pagbabahagi niya, “Isa sa mga nakikita kong matatakbuhan kung sakali. Kaya mapaglabasan [ng mga problema sa buhay]. Kaya kong umiyak [sa harap niya].”

Diretsahan namang tinanong ni Karen kung nanliligaw ba si Seth sa dalaga at ang natatawang sagot nga niya ay hindi.

Pero inamin naman ng binata na talagang attracted siya kay Francine.

“Pinakagusto ko kay Francine, takot rin siya sa magulang. Para sa akin kasi, ‘yun ang number 1 sa babae,” lahad ni Seth.

Dagdag pa niya, “Si Chin talaga [ang] standard.”

Baka Bet Mo: Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Natanong na nga rin ni Karen ang binata kung prayoridad bang maituturing para sa kanya ang pagkakaroon ng love life.

Sagot ni Seth, “Noong bagets po ako, ang sarap ma-in love e pero ngayon, parang trabaho po. Trabaho po muna.

Aniya, noong bata pa raw siya, may mga bagay na sinasabi ang mga nakatatanda na hindi niya naiintindihan dahil hindi pa niya nararanasan.

“Pero pag na-experience natin ang mga bagay na sinabi nila, ‘Ay tama nga sila. Nangyari nga sa akin’,” sey ni Seth.

Hirit pa niya, bawal pa siyang mag-love life dahil strict pa ang magulang ng kanyang nagugustuhan.

“Bawal pa kasing magdyowa si Francine… kaya single din muna ako,” nakatawang saad ni Seth.

Nang tanungin naman siya kung magiging sila ba kapag pwede na ang dalaga, maiksing sagot ng Kapamilya star, “Tignan po natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: ‘Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending