Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: 'Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon' | Bandera

Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: ‘Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon’

Ervin Santiago |April 23,2023
facebook
share this

Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: ‘Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 08:15 AM

Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: 'Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon'

Seth Fedelin at Francine Diaz

NAGPAKILIG nang bonggang-bongga ang magka-loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin nang magbigayan sila ng “award” para sa isa’t isa kung sila ay magkasamang um-attend sa isang Prom Night.

Yan ang isa sa mga paandar na segment ng “Magandang Buhay” para sa dalawang Kapamilya youngstars at bida sa seryeng “Dirty Linen” nang mag-guest sa programa nitong nagdaang Huwebes, April 20.

Nakasama rin nila rito ang iba pa nilang kasamahan sa kanilang teleserye na sina at CJ Navato, Raven Rigor at Sean Tristan.

Sa isang bahagi nga ng morning show nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Regine Velasquez, tinanong ang tambalang FranSeth kung anong award ang ibibigay nila sa isa’t isa tulad ng nagaganap sa isang prom night.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


“King of Making Me Happy” ang ibibigay na award ni Francine kay Seth habang “Queen of Universe” naman daw ang titulong ia-award ng aktor sa kanyang ka-loveteam.

Baka Bet Mo: Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

“Ako po ang ibibigay kong award kay Seth ay King of Making Me Happy. Kasi si Seth very effortless for him and for me rin na pasayahin niya. Hindi niya kailangang mag-effort ng super para maging happy ako parang natural na lang,” pahayag ni Francine.

“Para sa akin ikaw ang Queen of Universe. In short ikaw ang Miss Universe ko. Kasi kumbaga kapag kasama kita ay nararamdaman ko ang lahat ng emosyon.

“Kinikilig ako, natutuwa ako. Minsan nanginginig, lahat, minsan napapalungkot niya ako. So lahat ng energy ng universe ay nasa ‘yo,” ang sey naman ni Seth.

Todo naman ang pasasalamat nina Seth at Francine sa lahat ng mga sumusubaybay sa “Dirty Linen” na gabi-gabing trending dahil sa mga pasabog na eksena bawat episode.

Bukod sa “Dirty Linen,” abangers na rin ang mga FranSeth fans sa bago nilang project sa iWantTFC, ang “Fractured.”

Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending