Janice de Belen sa trending scene sa 'Dirty Linen': Huwag niyo pong gagawin ‘yun | Bandera

Janice de Belen sa trending scene sa ‘Dirty Linen’: Huwag niyo pong gagawin ‘yun

Therese Arceo |March 01,2023
facebook
share this

Janice de Belen sa trending scene sa ‘Dirty Linen’: Huwag niyo pong gagawin ‘yun

Therese Arceo - March 01, 2023 - 10:48 PM

Janice de Belen sa trending scene sa 'Dirty Linen': Huwag niyo pong gagawin ‘yun

MAY paalala ang aktres na si Janice De Belen kaugnay ng kanyang trending scene kasama si John Arcilla sa teleseryeng “Dirty Linen”.

Ginagampanan ng aktres ang karakter bilang si Leona, asawa ni Carlos Fiero (John Arcilla) na isang babaero.

Ang trending na scene ni Janice ay ang kanyang tangkang pagpatay sa asawa habang natutulog ito sa kanilang kama gamit ang unan.

Ngunit tila nagbago ang isip ni Leona at sa halip ay na ituloy ang plano ay pinalo na lang niya ito sa mukha at pinalabas na binabangungot kahit na maayos at mahimbing lang itong natutulog.

Sa kanyang TikTok video kasama si John ay nagpaalala si Janice patungkol sa kanilang naging scene.

Bagamat marami ang natawa sa naturang scene nilang dalawa ay nagbabala naman ang aktres na huwag itong gagayahin.

“Alam ko po nag-enjoy kayo nang hinampas ko ng unan si Carlos, pero guys huwag niyo pong gagawin ‘yun sa mga asawa niyo, ha? Ako lang po ‘yun,” saad ni Janice.

Biro naman ni John, “Gawin n.yo!” sabay tawa.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa kanyang TikTok video.

@superjanicedeb♬ original sound – superjanicedeb

“That scene was gold! I had a good laugh with it,” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Hahaha parang yung tawa mo dun ms janice totoo ata.”

“HULI NA ANG LAHAT GADDDAMMMEEET!!!!” hirit naman ng isa.

Ang “Dirty Linen” ay isang Kapamilya teleserye na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5.

Related Chika:
Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janice ayaw nang makatrabaho si John, pero payag kay Aga: Magkaiba kasi yung status ng relationship…

Janice sa kabit ng ex-husband: Pasalamat ka ako ang asawa dahil kung hindi, pwedeng patay ka na o na-deport ka na

Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending