Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako! | Bandera

Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!

Therese Arceo |September 16,2022
facebook
share this

Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!

Therese Arceo - September 16, 2022 - 09:59 AM

Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!
INALALA ng aktres na si Janice de Belen ang kanyang naging encounter sa bidang young star na nag-attitude noon sa isang teleserye.

Ito ay naikuwento niya sa naganap na presscon ng “Sugat Sa Dugo” ng Dragon Entertainment Productions Inc. na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Bambi Fuentes.

Chika ni Janice, gumanap daw siya bilang ina ni young star sa naturang teleserye.

Bagamat hindi niya pinangalanan kung anong teleserye ito at kung sino ang tinutukoy niyang young star ay tahasan naman niyang inilahad ang pagpalag niya sa pag-a-attitude nito.

“Pag um-attitude sila, attitude din ako. Para sa akin, ang hate na hate ko, ang super pet peeve ko, pag nag-eeksena tayo, huwag mong ilagay ang telepono sa bulsa mo,” saad ni Janice.

Aniya, labis raw na nakaaapekto sa eksena kapag nasa bulsa ang cellphone o nasa malapit dahil paniguradong may hinihintay itong text o hindi kaya’y tawag na maaaring maging distraction sa pagtatrabaho.

Sey pa ni Janice, “At iyan pag nag-eeksena tayo, at pag iyan nag-vibrate… kahit vibrate, makikita ko, e. Makikita, mararamdaman ko na madi-distract ka ng two seconds. Kasi siyempre nag-vibrate mararamdaman mo, makikita ko iyan, e.

“Maapektuhan ang pag-arte mo, maapektuhan din ako. Sinabihan ko talaga na… kasi, sabi sa akin, ‘Okay lang po, naka-silent naman’.

Ngunit naging matigas raw si Janice sa young star at sinabing hindi okay na nasa bulsa ang kanyang cellphone kahit naka-silent pa ito habang nasa eksena sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SuperJanice de Belen (@super_janice)

Pagpapatuloy niya, “Hanggang sa umabot sa point na sinabi ko na, ‘Hindi ko iti-take ang eksena na ito hangga’t hindi mo tinatanggal yung phone sa bulsa mo.'”

Natuto naman ang young star sa pagdidisiplina ni Janice sa kanya at maging ang direktor ng teleseryeng iyon ay nagpasalamat sa kanya.

“Kasi, hindi naman iyun para sa akin, e. Para sa kanila yun. Kasi, puwede kang sigawan ng direktor kapag nag-react ka, kaya sinabi ko iyan sa iyo,” lahad ng beteranang aktres.

Dagdag pa niya, “Distraction yun, e. Saka yung nag-Instagram ka. Okay lang i-Instagram mo kapag wala pa talagang nagaganap. Pero kapag nag-eksena na, ilayo mo na iyan.”

Related Chika:
Janice ayaw nang makatrabaho si John, pero payag kay Aga: Magkaiba kasi yung status ng relationship…

Janice de Belen insecure noon sa katawan: Pero ngayon, so what? This is me, ayaw n’yo, ‘di ‘wag n’yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janice sa kabit ng ex-husband: Pasalamat ka ako ang asawa dahil kung hindi, pwedeng patay ka na o na-deport ka na

Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending