Naba-bad trip nga ba si Seth Fedelin kapag sinasabing ginagaya niya si Daniel Padilla? | Bandera

Naba-bad trip nga ba si Seth Fedelin kapag sinasabing ginagaya niya si Daniel Padilla?

Ervin Santiago |February 02,2023
facebook
share this

Naba-bad trip nga ba si Seth Fedelin kapag sinasabing ginagaya niya si Daniel Padilla?

Ervin Santiago - February 02, 2023 - 07:48 AM

Naba-bad trip nga ba si Seth Fedelin kapag sinasabing ginagaya niya si Daniel Padilla?

Daniel Padilla at Seth Fedelin

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nagsasabi na ginagaya raw ni Seth Fedelin ang Kapamilya actor at matinee idol na si Daniel Padilla.

Isa ito sa mga komento na laging ibinabato sa bagong ka-loveteam ni Francine Diaz kaya naman may mga pagkakataon na naaasar na rin siya dahil wala naman daw itong katotohanan.

Napanood namin ang video ng “Spill or Swallow” challenge ng Push kung saan game na game ngang sumabak si Seth. At dito nga siya umoo sa tanong kung naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya si Daniel.

“Siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako. Nagpagupit na nga ako eh, oh, (para hindi na maakusahang kinokopya si Daniel),” natatawang sagot ng young actor.

Sabi pa niya, “Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit? Pero okay lang naman din. I’m thankful pa rin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Samantala, natanong din ang binata kung may “something” o kung may namamagitan na sa kanila ng katambal niya sa seryeng “Dirty Linen” na si Francine Diaz.

“Meron, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me.

“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganun ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor.

Aniya pa, single na single raw siya ngayon at nakasentro muna ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang showbiz career.

Sobra nga raw ang pasasalamat ni Seth sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil napasama siya sa napakalaking cast ng Kapamilya primetime serye na “Dirty Linen” kung saan gumaganap siya bilang si Nico.

“Halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho sa Dirty Linen. Mga senior actors, si kuya Z (Zanjoe Marudo), si Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre, marami pa, which is sa akin parang ano ‘yun eh, challenge talaga.

“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work, eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao doon eh,” aniya pa.

Bida rin sa “Dirty Linen” sina Janine Gutierrez, Tessie Tomas, Angel Aquino, John Arcilla, Christian Bables at marami pang iba.

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi po ako perfect, nagkakamali at nabubulol pa rin ako – Andrea Brillantes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending