Francine Diaz, chiropractic doctor Tyler Bigenho nagpakilig, hirit ng netizens: ‘Seth left the group’
MARAMING netizens ang naaliw at kinilig nang todo sa aktres na si Francine Diaz matapos bisitahin ang TikTok star at chiropractic na si Dr. Tyler Bigenho sa California.
Sa katunayan nga ay nag-viral ang uploaded video ni Dr. Tyler na ipinapakita ang naging “spinal adjustment” ni Francine.
Sa caption ng doktor, ibinalita niyang pinuntahan siya ng aktres habang bumibisita sa Amerika.
Nabanggit nga rin niya na mag-bestfriends na rin sila at mismong si Francine ang magiging tour guide niya sakaling mamasyal siya sa ating bansa.
“@francinesdiaz stopped by for her first adjustment while she visited America. We’re best friends now and she’s gonna be my tour guide when I visit the Philippines,” wika sa Instagram post ni Dr. Tyler.
View this post on Instagram
Habang pinapanood namin ang video, hindi lang kami naaliw sa mga nagiging ekspresyon ni Francine sa tuwing napapatunog ang kanyang mga buto.
Dahil talagang may kilig factor din ang nagiging usapan ng dalawa!
Katulad na lamang sa umpisa ng video na tila hindi na prumeno sa kanyang banat ang Kapamilya young actress sa gwapong doktor.
“Do you trust me?” tanong ni Dr. Tyler kay Francine.
“I do…double meaning,” ang sagot naman sa kanya ni Francine.
Super agree naman diyan ang libo-libong netizens at narito ang ilan sa mga naging komento nila sa ibinandera naming #SeyMoIdol:
“Mapapa-I do din ako kung ganyang kawafu (kagwapo) [red heart emojis].”
“Iba ka talaga beh hahahahaaaaaa”
“Kagwapo naman…kahit di ka na tanungin, yes I do admire you doc! Pogi kasi..”
“Ano ‘yon Francine hahaha, Seth left the group.”
Magugunitang nagkaroon ng show si Francine kasama ang ilang cast ng “Dirty Linen” sa Sacramento, California at isa sa mga naging side trip niya ay ang session with Dr. Tyler.
Related Chika:
TikTok star Bella Poarch 4 years nang kasal, pero nag-file na raw ng divorce
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.