Francine, Seth aminadong madalas na 'may sariling mundo'

Francine Diaz, Seth Fedelin aminadong madalas na ‘may sariling mundo’ tuwing may event, magpapakilig sa panibagong serye

Reggee Bonoan |September 09,2023
facebook
share this

Francine Diaz, Seth Fedelin aminadong madalas na ‘may sariling mundo’ tuwing may event, magpapakilig sa panibagong serye

Reggee Bonoan - September 09, 2023 - 06:05 PM

Francine Diaz, Seth Fedelin amindaong madalas na 'may sariling mundo' tuwing may event, magpapakilig sa panibagong serye

The cast of ‘Fractured’

MEANT to each other ang love team nina Seth Fedelin at Francine Diaz dahil simula nang nahiwalay sila sa kani-kanilang ka-loveteam na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ay hindi na sila nawalan ng proyekto nang magkasama.

Bukod kasi sa katatapos na “Dirty Linen” TV series ay heto at sila ang bida sa original mystery series na “Fractured” na mapapanood na simula September 15 sa iWantTFC at YouTube channel ng nasabing content platform na may new episodes every Friday at 8 PM.

Iba pa ang mga kahilingang magkasama ang dalawa sa mga mall shows sa mga probinsya at TV ads.

Hindi masasabing pilit lang ang loveteam nang FranSeth dahil may kilig, eh, at kitang-kita iyon kapag magkasama sila on and off camera na inamin din naman ng batang aktor na masaya ang pakiramdam niya kapag magkasama sila ng batang aktres.

Sa nakaraang mediacon ng “Fractured” ay inaming sobrang kilala na nila ang isa’t isa sa lagi nilang pagsasama na pati mga topak ng isa’t isa ay gamay na.

Sey ni Seth,“Aminin na natin, maging totoo naman tayo. Araw-araw naman po, siguro, nag-i-improve naman po ‘yung samahan namin. Nakikilala ako ni Chin (pet name ng dalaga) nakikilala niya ‘yung ugali ko, nakikilala ko si Chin, so araw-araw, may progress kami.”

Pero ipinagdiinan ng binata, “Pero to be honest po, wala pa kami ru’n sa iniisip ng marami na ganito-ganito, ganyan-ganyan.”

Baka Bet Mo: Seth Fedelin umamin kay Francine Diaz: ‘Ikaw ang Miss Universe ko, kasi kapag kasama kita nararamdaman ko ang lahat ng emosyon’

Wala ring ligawang nangyayari pa, “Wala pa po. Bago siya, siguro, ang liligawan ko muna, si tita (nanay ni Francine), ‘yun muna.”

Ano naman ang reaksyon ni Francine sa mga pahayag ng kanyang guwapong loveteam na may improvement ang pagsasama nila parati.

“Ah, I think as of the moment, happiness,” kaswal na sagot ng dalaga.

Ang bilis ng sagot ng aktres a tanong kung boyfriend material si Seth, “very!”

Sey naman ni Seth, “Wife-material yata, puwede.”

Susme, boyfriend material ang tanong kay Chin, wife material na kaagad ang nasa isip ni Seth.

Katwiran ng aktor, “kaya ko nasabi ‘yun kasi gusto ko kung paano siya pinalaki ng pamilya niya.”

Samantala, marami ang nagtataka kung ano ang pinagbubulungan ng FranSeth kapag hindi na sila ang tinatanong ng media, hindi kasi natapos-tapos ito, pakiwari nila ay sila lang ang nasa stage.

Kaya after the mediacon ay natanong ang dalawa.

“Actually, marami po kaming napapag-usapan. Kaya kapag ganito ‘yung event, ‘may sariling mundo’ is because sa sobra namin palaging magkasama, ang dami naming napapag-usapan na naka-catch po ng attention ninyo,” paliwanag ni Francine.

Sabi naman ni Seth, “saka ang pinagtsitsikahan naman namin, tungkol dito sa Fractured.”

Anyway, napanood namin ang ilang episodes ng “Fracture” at kuwento ito ng mga social media influencers na napadpad sa isla at ayon sa direktor nilang si Thop Nazareno ay ilang linggo sila roon.

Sabi nga ni Seth, “’yung nakita ninyong namumula kami, totoo po ‘yun kasi sobrang init sa isla.  Amoy tubig dagat na kami kasi doon kami naliligo na, at doon na rin ginagawa ang lahat sa paligid kasi totoong walang uwian kami roon.”

Kasama rin sa “Fractured” sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Raven Rigor, at Sean Tristan with Jennica Garcia, Kim Rodriguez, KaladKaren, Majoy Apostol, Vaughn Piczon at Mylene Dizon mula sa direksyon ni Thop Nazareno handog ng ABS-CBN, iWantTFC at Dreamscape Entertainment.

Related Chika:

Andrea Brillantes, Seth Fedelin ayaw munang makatrabaho ang isa’t isa, bakit kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending