Andrea Brillantes, Seth Fedelin ayaw munang makatrabaho ang isa’t isa, bakit kaya?
TAHASANG inamin ng Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na ayaw muna nilang magkasama sa trabaho o proyekto sa ngayon.
Ito ay sinabi ng dalawa sa naganap na bloggers conference ng kanilang bagong serye na “Lyric and Beat” kahapon, July 14.
View this post on Instagram
Natanong kasi sina Andrea at Seth kung willing ba silang gumawang muli ng project together pagkatapos ng kanilang iWantTFC series.
Sagot ng aktres, “too complicated” raw ang muling pakikipagtrabaho kay Seth dahil na rin sa kanilang past relationship.
“I think it’s too complicated as of the moment. For me, hindi lang naman kami ‘yung nasaktan pati po ‘yung mga fans namin. Parang naging dodgeball na rin: Ano papaniwalaan, ano kakapitan,” saad ni Andrea.
Matatandaang unang buwan pa lamang ng 2022 ay laman na ng balita ang dalawa matapos magkaroon ng isyu kasama ang kanilang kapwa Gold squad member na si Francine Diaz.
Ngayong taon rin nang inamin ni Andrea na mahigit dalawang taon silang naging magkarelasyon sila ni Seth sa kanyang Instagram live noong Abril 2022.
Nagdesisyon silang itago muna ang relasyon nila sa publiko ngunit noong Oktubre 2021 ay nagkaroon sila ng mutual decision na maghiwalay na nang tuluyan.
“Lalo na po ngayon na mayroon ng FranSeth, I don’t know if magiging healthy pa po yung relationship ng Gold Squad, Squadmates, FranSeth, Francine fans, fans niya, fans ko, kung nagpapalit-palitan kami,” dagdag pa ni Andrea.
Chika naman ng aktor, maari pa rin naman silang makita ng kanilang mga tagasuporta nang magkasama ngunit hindi na bilang magka-loveteam na SethDrea.
“Sa ngayon, hindi naman ibig sabihin na hindi na kami magta-trabaho at talagang bawal na bawal na, ayaw na namin. Hindi sa ganon. Mas iniisip lang namin ‘yung akma sa panahon,” sey ni Seth.
Nilinaw naman nina Andrea at Seth na wala namang awkwardness sa pagitan nila kahit na naging magdyowa sila noon at patuloy silang magiging propesyunal sa kanilang mga trabaho.
Related Chika:
Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room
Hindi po ako perfect, nagkakamali at nabubulol pa rin ako – Andrea Brillantes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.