Paulo Avelino masayang nakipag-bonding kay Aki sa New York
MULING naka-bonding ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang kanyang anak na si Aki nang bisitahin niya ito sa New York.
Matapos ang ilang buwang hindi pagkikita, masayang ibinahagi ng aktor ang muli nilang pagsasama ng anak sa aktres na si LJ Reyes.
Makikita sa Instagram stories ni Paulo ang video ni Aki habang nag-uusap sila patungkol sa new hair color nito.
Sa sumunod naman na clip ay makikitang naglalakad ang kanyang anak kasama ang kaibigan nitong babae.
Kwento ni Paulo, Marso pa lang ay sinabihan na niya ang dating karelasyon patungkol sa kanyang pagbisita sa New York.
“Actually na-mention ko na sa mommy niya. Tinatanong lang kung ano ‘yung dates. Pero nando’n na rin ako, might as well see my son. I haven’t seen him since they left,” pagbabahagi ng aktor.
View this post on Instagram
Matatandaang noong Setyembre 2021 nang magdesisyon na lumipad patungong New York si LJ Reyes kasama ang mga anak na sina Aki at Summer matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay ni Paolo Contis na nakarelasyon niya ng anim na taon.
Bago pa man ang kanilang pagkikita ay talagang excited na si Paulo na makita ang anak lalo na’t doon na rin nito ipinagpatuloy ang pag-aaral.
“Excited na excited na rin akong makausap ang anak ko kasi nag-i-school na rin do’n and everything,” dagdag pa niya.
Sakto naman at nagkaroon ng concert sa Amerika si Paulo kasama sina Ogie Alcasid at Janine Gutierrez kaya naman sinulit na niya at binisita ang anak na matagal nang hindi nakikita.
Sa isang panayam nga ay tinanong ang aktor kung sakaling isasama niya si Janine sa pagbisita niya kay Aki.
Pabirong sagot ni Paulo, ipapakilala raw niya ang aktres bilang nanay nito.
Related Chika:
Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…
LJ kinumusta ni Paulo Avelino; willing pumunta sa Baguio with someone ‘as a friend’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.