Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up... Bandera

Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…

Ervin Santiago |July 25,2021
share this

Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…

Ervin Santiago | July 25, 2021 - 05:01 PM

IDINAAN ng award-winning Kapamilya actor sa social media ang maikli ngunit madamdamin niyang mensahe para sa anak na si Aki.

Bibihirang mag-post ang binata tungkol sa anak nila ni LJ Reyes kaya naman feeling ng kanyang mga fans at social media followers miss na miss na niya ang bagets.

Baka raw matagal nang hindi nagkakasama ang mag-ama kaya naman nag-post na sa kanyang Twitter account si Paulo para batiin si Aki sa kaarawan nito.

Kapansin-pansin din na puro throwback photos at video ni Aki ang pino-post ng aktor sa social media at wala raw silang latest picture together.

Kahapon nag-celebrate ng kanyang 11th birthday si Aki at sa pamamagitan nga ng Twitter ay binati ni Paulo ang anak kalakip ang litrato noong batambata pa. Aniya sa caption, “Baby boy. Birthday boy. Love you forever. (Infinity sign).”

Sa Instagram account naman ng Kapamilya actor, muli siyang nagbahagi ng throwback photo ni Aki at nagsabing wala raw siyang nais ngayon kundi ang makasama nang madalas ang anak.

“Happy Birthday to my forever baby Aki. I want nothing but spend more time with you and be with you growing up. I love you forever,” ang mensahe ni Paulo sa anak nila ni LJ. 

Samantala, may isa pang bagong video na ipinost si Paulo sa IG kung saan makikita ang sandaling pagsasayaw ni Aki. Hindi lang malinaw kung siya ang kumuha ng video at nakasama nang personal  ang anak sa kaarawan nito.

Kung matatandaan, noong 2017 may mga balita na super busy daw si Paulo sa trabaho kaya hindi niya masyadong nabibigyan ng panahon si Aki. Ngunit mariin naman niya itong itinanggi sa isang panayam.

“Basta para sa anak ko, gagawa ako palagi ng oras. Gagawa at gagawa ako ng oras para sa anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko. At lagi akong available para sa anak ko.”

“I’ve always wanted to be a father first, but maraming komplikasyon, maraming misunderstandings. But I’ve always wanted to be a father first,” ang sabi pa ng aktor.

Nasa pangangalaga pa rin ngayon ni LJ ang anak nila ni Paulo at sa kasalukuyan ay katuwang nito sa pagpapalaki sa bata ang partner na si Paolo Contis.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending