Balikang LJ Reyes-Paulo Avelino posible pa kaya? | Bandera

Balikang LJ Reyes-Paulo Avelino posible pa kaya?

Reggee Bonoan |October 31,2021
facebook
share this

Balikang LJ Reyes-Paulo Avelino posible pa kaya?

Reggee Bonoan - October 31, 2021 - 01:14 PM

LJ Reyes at Paulo Avelino

PAWANG mga positibo rin ang mga nababasa naming komento mula sa mga netizens patungkol sa bagong panayam ni Boy Abunda sa aktres na si LJ Reyes.

Naikuwento ni LJ Reyes sa nasabing interview na kinumusta siya ng dating boyfriend na si Paulo Avelino at kung anuman ang kailangan nito para sa anak nilang si Aki (11 years old na ngayon) ay magsabi lang sa kanya.

Hindi naman itinanggi ni LJ na okay na ang relasyon nila ni Paulo ngayon dahil na rin sa kanilang anak pero aniya hindi naman daw sila ganu’n ka-close. At aniya, may komunikasyon naman ang mag-ama.

Hindi lang masagot ng aktres kung hanggang kailan sila maninirahan sa Amerika kasama ang dalawang anak pero aminadong hindi pa siya totally okay sa ngayon.

Inamin ng aktres na mga araw pa rin na naiiyak na lang siya dahil sa nangyari sa kanila ni Paolo Contis at inamin ding walang effort mula sa tatay ng bunsong anak na si Summer na magkausap sila.

View this post on Instagram

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Anyway, may mga nabasa kaming reaksyon mula sa mga netizens na nagsabing “baka may part 2” na ang ibig sabihin ay posibleng magkabalikan sina LJ at Paulo dahil sa tanong ni Kuya Boy kung type ni LJ na pumunta ng Baguio “with a friend” na ikinatawa naman ng huli.

“Yes, Tito Boy. Why not? I’m proud of Baguio as a Filipino. Maraming pwedeng puntahan doon. Maraming pwedeng kainan, so yes!” sagot ng aktres.

At saka nito binanggit na taga-Baguio ang tatay ng anak niyang panganay, “Actually po, Paulo Avelino is from Baguio. So may family doon si Aki. Pupunta talaga kami doon.”

Oo nga si Aki ang may dahilang pumunta ng Baguio dahil nandoon ang pamilya ng daddy Paulo niya.

Anyway, trulili kaya na single na uli ngayon si Paulo? May nagbulong lang sa amin tungkol sa estado ng lovelife ng aktor. So, alam na! 

LJ Reyes: Hindi ko inakalang masasaktan ako at ang mga bata nang ganu’n…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending