Francine Diaz umamin: ‘Hindi naman po ako perfect, hindi ko lang sine-share sa social media’
MAGANDA ang mensahe ni Francine Diaz when asked kung totoo na she’s only posting positive messages on her different social media accounts.
Natanong kasi si Francine sa grand mediacon ng “Fractured” kung true na as a celebrity ay panay magagandang bagay lang ang kanyang pinopost sa kanyang social media accounts.
“Ako po, kung paano ko hina-handle ‘yung sine-share sa akin sa social media account ko, gusto kong i-share ‘yung positivity kasi para po sa akin there’s so much negativity na sa surroundings natin,” say ni Francine.
View this post on Instagram
Para kay Francine, dapat lang na always positive ang kanyang pino-post kaya naman very careful siya sa kanyang sine-share sa kanyang social media account. Francine only wants to spread anything that enlightens and inspires.
“Gusto ko lang na maging parte noong mga taong gustong magbigay ng liwanag sa mga tao to help them with themselves or pagse-self love or with friends and families, sa lahat.
“Ako naman po hindi naman po ako perfect. Hindi ko lang sine-share sa social media kasi I believe po na ang mga ganoong usapin ay dapat personal na lang. Hindi na dapat ini-involve pa ‘yung mga tao sa labas,” paliwanag pa niya.
“So, kaya po madalas na nakikita sa social media accounts ko is positive lang kasi iyon ang gusto kong i-share with the people na nagpa-follow sa akin,” dagdag pa niya.
Nang matanong si Francine kung ano ang dream role niya, she said na gusto niyang magampanan ang isang psycho character.
“Parati ko po itong sinasagot kapag natatanong ‘yan. Ang gusto ko po talagang ma-try ay ‘yung action na psycho character.
Baka Bet Mo: Xian Lim mas tumaas pa ang respeto sa mga nanay matapos ‘mabuntis’: Grabe, hindi talaga siya biro!
“Actually, kung puwede nga pong i-remake ‘yung ‘Scarface’ pero babae siya, gagawin ko po,” she said.
Gumaganap si Francine bilang si Sally, isang videographer sa “Fractured” na isang a mystery-thriller series that also stars Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Raven Rigor, and Sean Tristan.
It will stream for free beginning September 15 (Friday) on the iWantTFC app or website and on iWantTFC’s YouTube channel, with new episodes dropping every Friday at 8 PM.
Iikot ang kwento ng “Fractured” sa pitong social media influencers na inimbitahan sa isang mala-paradise na island resort na Bella Vista. Sa kabila ng kanilang online fame, meron din silang mga itinatagong bubog dahil sa kani-kanilang mga masasakit at nakakaawang nakaraan.
View this post on Instagram
Habang nagbabakasyon sila sa resort, gagamitin din nila ito bilang pagkakataon na gumawa ng online content para maging viral at trending. Sa pagsasama-sama nila, may posibilidad din na magkaroon ng mga isyu dahil sa pag-ibig.
Mayayanig ang kanilang masayang bakasyon nang patayin ang isa sa mga kasama nilang influencer. Dahil sa sunod-sunod na trahedya, mapipilitan silang magtulungan para lamang mabuhay, kahit wala silang ideya kung sino sa grupo ang nagpapanggap lang at totoong mamamatay-tao pala.
Sino nga sa kanila ang mamamatay-tao? Ang bakasyon ba ito ang magiging daan para harapin nila ang kanilang mga isyu sa buhay?
Mapapanood din sa “Fractured” sina Jennica Garcia, Mylene Dizon, Kim Rodriguez, KaladKaren, Majoy Apostol, at Vaughn Piczon, sa ilalim ng direksyon ni Thop Nazareno.
Kim babu sa kanegahan, muling nagpasabog ng good vibes sa socmed; Vice may 17-M followers na sa FB
Rica Peralejo muling nakunan sa ika-3 pagkakataon; 2 hiniling na ‘milagro’ kay Lord hindi natupad
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.