Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo! | Bandera

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Therese Arceo |April 12,2022
facebook
share this

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Therese Arceo - April 12, 2022 - 05:45 PM

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

TILA hindi na nakapagtimpi ang ina ng Kapamilya star na si Francine Diaz matapos ang naging pahayag ni Andrea Brillantes sa kanyang Instagram live kagabi, April 11.

Kalat na ngayon sa social media ang screenshot ng post ng ina ng aktres kahit na tila burado na ito at hindi na nakikita sa kanyang Facebook account.

“Nananahimik anak ko. Tigil tigilan mo anak ko. Manahimik ka na wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo! Baka magkaalaman tayo,” saad ng ina ni Francine na si Merdick Diaz.

“Hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparayabang binigay sayo ng anak ko, namin alang alang sa ikatatahimik ng lahat. Sa tuwing nababash ka, kayo, lagi nyo dinadawit anak ko.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

 

“Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!” pagpapatuloy pa ng ina ni Francine.

Maski ang Kapamilya actor at ka-love team ni Andrea na si Seth Fedelin ay binanggit rin ni Mama Merdick sa kanyang buradong Facebook post.

“At ikaw Seth, sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo ng maayos at totoo pero ani ginawa nyo?

“Sobra na pagtitimpi ko. Hindi na pwede tong ginagawa nyo,” mainit niyang pahayag.

 

Kinuwestiyon rin ng ina ni Francine kung saan nagmumula ang galit ni Andrea sa kanyang anak gayong wala naman itong ginawa sa dalaga.

“Bakit nga ba Andrea Brillantes galit na galit ka sa anak ko? Na wala naman ginawa sayo! Ikaw mag umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo sa social media. SOBRA KA NA!!” matapang na hamon ng ginang sa aktres.

Aniya, hindi na raw siya papayag na patuloy ma-bully ni Andrea si Francine lalo na’t wala silang ibang ginawa kundi unawain ang dalaga.

“Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binu-bully anak ko! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak? Lahat na lang ng pang unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!!! Alam nyo yan!” sabi pa ni Mrs. Diaz.

Maski ang pinsan ni Francine ay magsalita na rin ukol sa diumano’y panunugod ni Andrea sa dressing room.

 

 

Sa nagdaang Instagram live ni Andrea kagabi, April 11, ay pinabulaanan nito ang naturang balita at sinabing kung talagang totoong nangyari na sinugod niya ang “Bola Bola” lead star ay paniguradong kumalat na ang video lalo na’t maraming CCTV sa gusali ng Kapamilya network.

Bwelta ng pinsan ni Francine, totoong sinugod ni Andrea ang kapwa Kapamilya star dahil nag-Instagram story ito ng larawan kasama ang kanyang ex-boyfriend at ka-love team na si Seth Fedelin.

“Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod nya yung pinsan ko sa dressing room! Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin (Francine) dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH! So feeling mo naman ka attitude mo si Chin na gusto mga lalaki?”

Sinabihan rin nitong “cheater” si Andrea at ito ang diumano’y unang nagloko sa relasyon.

Dagdag pa niya, may voice record raw sila ng pangyayari at alam nila ang totoo.

“Feeling maaagawan cheater naman! May voice record kaya wag mo kaming pikunin baka sugurin ka din naming baliw ka! Ikaw na nga nagloko dadamay mo pa si Chin!

“Lahat na lang kasi gusto mo jowain! Ikalma mo girl alam namin fldi ka mauubusan nyan baka ikaw mismo maubos! Minus 1,000 ka kay Lord kung palagi kang magmamalinis! Laging damay pinsan ko sa mga isdie mong baliw ka laki ng galit mo e no?!” gigil na saad ng pinsan ni Francine.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman naging malinaw kung sino ang tinutukoy ng pinsan ni Francine na “niloko” ni Andrea pero marami ang nag-iisip na baka si Seth ito lalo na’t inamin na niyang naging dyowa niya ang onscreen partner at nitong October, 2021 lang sila naghiwalay.

Bukas ang BANDERA para sa kampo nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Seth Fedelin ukol sa mas lumalaking isyu sa pagitan nilang tatlo.

Related Chika:
Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Andrea Brillantes umalma sa ‘fake news’, binalak magdemanda pero piniling magpatawad

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending