Andrea Brillantes umalma sa 'fake news', binalak magdemanda pero piniling magpatawad | Bandera

Andrea Brillantes umalma sa ‘fake news’, binalak magdemanda pero piniling magpatawad

Therese Arceo |April 12,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes umalma sa ‘fake news’, binalak magdemanda pero piniling magpatawad

Therese Arceo - April 12, 2022 - 03:30 PM

Andrea Brillantes umalma sa 'fake news', binalak magdemanda pero piniling magpatawad

NAGSALITA na ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ukol sa mga isyung patuloy na ibinabato sa kanya na may kaugnayan sa kanyang onscreen partner na si Seth Fedelin.

Matatandaang naging maingay ang pangalan ng dalaga sa pagsisimula ng taon matapos mag-viral ang mga larawan ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz noong Bagong Taon.

Matapos kumalat ang larawan ay isang TikTok video naman ang inilabas ni Andrea kung saan marami sa mga fans ang nag-isip na ito ang kanyang sagot sa naturang viral photos ng dalawa.

Bukod rito, kaliwa’t kanan na ang mga balitang lumabas patungkol sa dalaga na kanyang in-address sa kanyang Instagram live video nitong Martes ng gabi, April 11.

“After posting the TikTok, ang dami ng kumalat na fake news. Wala pong totoo dun. Hindi ako nagloko. Hindi ko din jowa yung mga pinagkalat niyo na nakasama kong lalake sa pictures,” saad ni Andrea.

Nilinaw rin niya na walang katotohanan ang mga balitang kumalat kung saan sinugod raw niya ang kapwa Kapamilya star na si Francine Diaz sa dressing room.

“At pinaka importante sa lahat, hindi ako nanugod sa dressing room. Hindi ho talaga. I also don’t know where people got that. Ang alam ko lang may isang dummy account na nag-tweet and it’s funny kasi naniwala naman lahat agad sila kahit it was just words,” pagpapatuloy ni Andrea.

Dagdag pa niya, may public figure na entertainment reporter rin ang nagsabi ng balita kaya marami ang naniwala.

“Pero kasi meron ding entertainment reporter, may public figure na sinabi yun sa vlog niya which made the alleged rumor more credible for people to believe,” lahad ni Andrea.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

 

Amin niya, sobra siyang nagalit sa pagpapakalat ng fake news laban sa kanya at umabot pa sa puntong ninais niyang magsampa ng kaso.

Sey ni Andrea, “Aaminin ko, I was mad. I was mad [and] furious and I wanted to file a case sa mga taong nagpakalat nun. And in every lie that was thrown at me without any concrete proof, I was mad and broken because everyone was accusing me of something that I didn’t do.

Aniya, kung talagang totoo ang balitang sinugod niya ang aktres ay sana may kumalat ng video lalo na at madaming CCTV sa Kapamilya network pero wala.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

 

“Guys, let’s be real. Kung totoo naman yun, sana kumalat na. Pero walang kumalat na video. There are CCTVs in every corner of ABS-CBN and I actually asked for a footage para lang may mapakita ako sa mga tao na hindi ko ito ginawa. Andito ako sa elevator, bumalik ako sa dressing room. I didn’t do that.”

Kalaunan ay pinili na lang ni Andrea ang magpatawad at ibaon sa limot ang isyu dahil alam naman daw niya at ng Diyos ang katotohanan.

Dagdag pa niya, isa sa rason kung bakit pinili na niyang magsalita ukol sa mga isyu ay dahil nais na niyang tuldukan ang mga usap-usapan.

“The reason why I did this now is for people to move on na rin. I didn’t do this to create another issue. I didn’t do this to create another problem, to be called a victim or to be called problematic. I’m doing this for closure.

“I’m not asking you to believe in me. Kasi this is for everyone, closure for me, closure for my fans, closure to their fans. Hindi niyo kailangan maniwala. You can do whatever you want with my statement pero ito na yun.

“I’m happy na I did my part and I own up to it. Alam ko naman mas madali paniwalaan ang chismis kaysa sa katotohanan. Kaya nga mas madaming naniniwala dun eh. Pero the truth isn’t easy to accept but it will set you free.

“Masaya na ang puso ko ngayon at ipagdadasal ko na sana matutunan nating lahat na maging masaya para sa iba,” mahabang saad ni Andrea.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Ricci Rivero ‘nag-propose’ kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending