Ricci Rivero 'nag-propose' kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord! | Bandera

Ricci Rivero ‘nag-propose’ kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord!

Reggee Bonoan |April 10,2022
facebook
share this

Ricci Rivero ‘nag-propose’ kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord!

Reggee Bonoan - April 10, 2022 - 07:55 AM

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

“FIRST time kong manood ng UAAP hindi ko inaasahang magkaka-boyfriend pa ako, grabe naman yun Lord!”

Ito ang caption ni Andrea Brillantes sa larawang ipinost niya sa Facebook na may hawak na bouquet of flowers at nakasuot ng black shirt na may nakalagay na “YES”.

Nakalagay din sa bandang ilalim ng post ang petsang, “04.09.22.”

Ito ang date nang sinagot niya ng “yes” ang basketbolistang si Ricci Rivero na matagal nang nali-link sa dalaga dahil nakikita silang lumalabas plus nakitang suot pa ng dalaga ang jersey shirt ng binata.

Anyway, bandang hapon nitong Sabado, Abril 9 ay nag-viral ang isang video kung saan tinanong ni Ricci si Andrea kung puwede na niya itong maging girlfriend.

Kakatapos lang ng laro ng UP Fighting Maroons sa SM Arena, Mall of Asia kung saan kabilang si Ricci. Natalo nila ang FEU Tamaraws sa score na 83-76. Ito ay para sa unang round campaign ng UAAP Season 84 Men’s Basketball Tournament.

Nanood pala si Andrea kasama ang ilang kaibigan at pagkatapos ng game ay kinuha ni Ricci ang mikropono sa scorer’s table at sabay tanong ng, “Can I ask Blythe to be my girlfriend?”

Dinig na dinig sa video ang hiyawan ng mga taong nasa loob ng SM Arena at sabay tutok ng mga camera at video ng cellphone sa kinaroroonan ng aktres.


Nilapitan si Andrea ng dalawang taong may hawak ng black shirt na may nakalagay na “YES” at “NO.” At pinili nito ang may nakalagay na “yes” kaya lalong umingay sa loob ng SM Arena.

Nagsabi naman si Ricci ng, “thank you” sabay flying kiss sa bago niyang girlfriend at saka tumakbo papuntang dressing room.

Madaling-araw na nang tipahin namin ang balitang ito at kanya-kanyang bersyon na ang kumalat sa social media at YouTube channel na opisyal nang magdyowa sina Andrea at Ricci.

Wish naman ng mga taong malalapit kay Andrea na sana’y alagaang mabuti ni Ricci ang dalaga at huwag siyang paiiyakin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil may boyfriend na ang aktres ay posibleng huling tambalan na nila ng ka-loveteam niyang si Seth Fedelin ang seryeng “Lyric and Beat” na mapapanood sa Qiyi mula sa Dreamscape Entertainment na idinirek naman ni Dolly Dulu.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Ricci Rivero pasabog ang charity project para sa ‘UP Ikot’ drivers; P250 donasyon kada puntos sa UAAP

Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending