Francine Diaz pangarap maging surgeon, handang gawin lahat para maka-graduate sa college: ‘Mahalagang alam mo ang priorities mo sa life’
GAGAWIN ni Francine Diaz ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral at makapag-uwi ng college diploma sa kanyang pamilya.
Paninindigan daw ng dalaga ang kanyang pangarap na maka-graduate at matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng ipagmamalaking college degree.
Knows n’yo ba kung ano ang talagang gustong kunin ni Francine sa college? “Una talaga, gusto kong maging med student. Gusto ko po kasi talagang maging doktor,” ang pahayag ni Francine sa isang panayam.
Gusto raw niya noon ang maging surgeon, pero mukhang imposible raw niyang matapos ito sa dami ng trabaho at commitments niya ngayon sa showbiz.
“Kasi siyempre ang hirap po nu’n kasi nga, given sa work ko, ang hirap naman nu’ng palagi akong absent at hindi ko alam kung paano ‘yung gagawin.
Baka Bet Mo: Sa wakas, Jodi naka-graduate na sa college makalipas ang mahigit 1 dekada
“Hindi naman pwedeng ulitin ko ‘yung pagkakatahi (sa pasyente). Nakakatakot naman,” ang natatawang sey pa ng dalaga na isa sa mga napiling host sa noontime show na “It’s Your Lucky Day” na pansamantalang humalili sa “Showtime.”
View this post on Instagram
“Pangalawang naisip ko is Business Management. Since nasa mundo naman na tayo ng showbiz, ‘yun na ‘yung pinakamalapit,” kuwento pa ng young actress.
Baka Bet Mo: Rhian ayaw pang mag-asawa kahit 31 na: For me, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve
Matatandaang sa isang post ni Francine ay ipinasilip niya ang ilang kaganapan sa kanilang school. Aniya sa caption, talagang nagmamadali siyang umalis dahil kailangan pa niyang sumabak sa rehearsal para sa isa niyang show.
“‘Yun ‘yung hindi ko masyadong napaglalaanan ng mahabang oras, so noong araw na ‘yan, ginawa ko siyang first priority,” aniya.
“Para po sa akin, mahalaga na alam mo ‘yung priorities mo sa life — si God, self, and career. Kasama na doon ‘yung studies ko.
“Sobrang grateful ako kasi kahit sobrang busy ‘yung schedule ko sa work, tinutulungan ako ng team ko para makapag-aral, para makapagtapos,” sabi ni Francine Diaz.
Nagpasalamat din siya sa Southville International School dahil patuloy siyang ginagabayan ng kanilang mga guro, “Bukod sa inaalalayan nila ako, lagi din nilang pina-prioritze ‘yung mental health ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.