Rhian ayaw pang mag-asawa kahit 31 na: For me, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve | Bandera

Rhian ayaw pang mag-asawa kahit 31 na: For me, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve

Ervin Santiago |March 03,2022
facebook
share this

Rhian ayaw pang mag-asawa kahit 31 na: For me, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve

Ervin Santiago - March 03, 2022 - 03:53 PM

Rhian Ramos

KAHIT 31 years old na, wala pa rin sa mga priorities ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang magkaroon ng asawa at bumuo ng sariling pamilya.

Mas gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho at tuparin ang iba pa niyang mga pangarap kesa magkaroon muli ng boyfriend.

Inamin ni Rhian sa digital mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Artikulo 247”, na ang ideal marrying age talaga niya kahit noong bata pa siya ay 35 years old.

Sa ngayon 31 na ang dalaga, “Some people think that’s late, some think that’s perfect and that’s normal. For me, ang dami ko pang gustong gawin and ma-achieve on my own kaya siguro never ko siya naging priority or dream.”

Madalas nga raw siyang tinatanong ng mga kaibigan at katrabaho sa showbiz kung ano ang naiisip niyang pasabog na marriage proposal ng kanyang magiging partner o kung ano ang kanyang dream wedding.

Ang palagi raw niyang isinasagot ay hindi pa talaga niya ito naiisip sa ngayon. Pero sabi ni Rhian, open naman siya sakaling may mag-propose sa kanya pero okay lang din kung waley.

“I’d be grateful for something like that to happen kung ‘yon yung gusto ni God para sa’kin, but whether or not it happens is also okay lang with me,” aniya.

View this post on Instagram

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


Ang huling dyowa ni Rhian ay ang Israeli na si Amit Borsok. Nag-break sila noong September, 2020 at mula nga noon ay nanatili siyang single.

Sa isang panayam, sinabi ni Rhian na talagang hindi biro ang makipaghiwalay sa taong minahal mo nang matagal na panahon, “Lahat naman ng breakup talagang mahirap. At saka dapat kung nahirapan ka sa isang breakup, dapat ika-proud mo ‘yon kasi ibig sabihin binigay mo talaga at nagmahal ka nang totoo.

“So that being said, oo, move on na. I think lahat ng life stage naman may matututunan ka doon. Pero it’s usually not parang may natutunan ka about someone else. 

“Mas marami kang natututunan sa sarili mo, mas nagiging klaro kung ano ‘yung gusto mo sa buhay, how you like to be treated, ‘yung mga ayaw mo,” paliwanag ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong that time kay Rhian kung handa na ba siyang magmahal uli, “Well, oo pero hindi. Hindi ko siya dream, hindi ko siya goal. Pero kung may dumating tapos kung feeling ko galing naman siya kay Lord, okay lang.”

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Rhian super mumog ng mouthwash bago makipaglaplapan; tinotoo ang ‘fight scenes’ nila ni Kris

Rhian nag-bake ng cookies suot ang bonggang bikini; Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending