Francine naibili na ng bahay at sasakyan ang pamilya; pangarap ding makakuha ng college diploma
PROUD na proud na ibinandera ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz na sa wakas ay nakabili na siya ng sariling bahay at sasakyan para sa kanyang pamilya.
Inamin ng dalaga na palipat-lipat sila noon ng tirahan kaya kaya talagang ipinangako niya sa kanyang sarili na mag-iipon siya para makabili ng bahay para hindi na sila nangungupahan.
“Gustung-gusto kasi namin ng sariling bahay. Actually, palipat-lipat nga kami. Ngayon nakakatuwa na meron na kaming house and may car na rin.
“Yung top two na sobrang kailangan namin yun yung inuna ko. And ngayon yung mga kapatid ko nag-aaral pa sila and gusto ko ma-achieve na may makapagtapos ako na kapatid sa pag-aaral,” pahayag ni Francine sa bagong YouTube vlog ni Vicki Belo.
Kuwento ng aktres, anim silang magkakapatid at close silang lahat, “Every night nagro-rosary kami as a family. Kung hindi man rosary nagpe-pray kami nang sabay-sabay bago matulog.
“Yes strict po ang parents ko pero hindi naman yung strict na sobra-sobra. Strict sila kapag late na aalis or uuwi. Meron kaming curfew, may cut-off kami,” aniya pa.
Sa tanong kung may mga kapatid ba siya na nais ding mag-artista, “Kung gusto nila susuportahan ko sila pero wala silang balak, eh. Sobrang mahiyain sila.
“Maski may bisita sa bahay nahihiya silang bumati. Hanggang hi lang sila. pero kung gusto nilang mag-artista susuportahan ko sila,” sabi ng isa sa mga nember ng The Gold Squad.
Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang sarili, sabi ni Francine isa siyang “ambivert.”
“Hindi ako masyado introvert, hindi rin masyado extrovert. Nandu’n ako sa gitna. Nagiging introvert lang ako kapag nasa bahay gusto ko na mag-isa ako.
“Parang du’n ko binabalik yung lahat ng energy na naubos ko sa work. Nagiging extrovert ako siyempre kapag kailangan sa work. Nakikipag-usap ako, nakikibuo ng friendship,” paliwanag ng bagets.
Pangarap din daw niyang makatapos ng pag-aaral, “Siyempre kasama sa dream ko yung sa college kasi I believe hindi naman pang-forever yung fame so kailangan parati ka may fallback na meron kang ititira for yourself.
“So yun yung gusto ko na mag-college ako para kahit paano, if ever magtayo ako ng business. Kung mawalan man ako, huwag naman sana ngayon, ng work, at least may nag-aantay sa akin na puwede kong pagkaabalahan in the future,” chika pa ng ka-loveteam ni Kyle Echarri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.