Xian Gaza ibinandera ang mga na-achieve ngayong 2022; nakapag-travel na sa 37 bansa, kumita pa ng P80-M
IBINANDERA ng kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza ang mga ari-ariang nabili at naipundar daw niya ngayong 2022.
Ipinagmalaki rin niya sa madlang pipol ang mga napuntahan niyang bansa ngayong taon kasunod ng pagsasabing ang 2022 daw ang, “best year of my life.”
Makikita sa Facebook post ni Xian last December 27 na nakapag-travel daw siya ngayong taon sa 37 bansa at makapagtayo ng ilan pang mga negosyo abroad.
“Travelled to 27 countries in Europe,
Travelled to 5 countries in East Asia,
Travelled to 4 countries in West Asia, Travelled to 1 country in Africa.
“Renewed my passport for 10 more years, Schengen visa application approved twice; Reunited with my son after 5 long years; Bonding with my mom around Europe; Christmas & New Year with my family. Bonding with my friends around Southeast Asia,” pagmamalaki pa ni Xian sa kanyang achievements.
Dagdag pa niya, “Earned more than 80 million pesos cash; Established 2 companies in Dubai, UAE; Established my own casino platform; Established my Marijuana company in Thailand.
“Acquired 1 agricultural property in Thailand; Acquired 1 condominium unit in Alabang; Established some very high gov’t connections. International friendship with Zeinab Harake,” sey ni Xian.
“2022 is the best year of my life. Thank you Lord for everything,” hirit pa niya.
Sey ni Xian, sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa at ang tanging wish niya sa sa pagpasok ng 2023 ay good health, peace of mind, genuine happiness, at sana rin ay makapamasyal siya sa Japan at South Korea.
Matatandaang nitong nakaraang buwan ay ibinandera rin ni Xian na umabot na sa kalahating bilyong piso net worth niya.
“Posting this not to inspire but to brag. Para maramdaman ng mga haters ko kung gaano sila kahirap. Haha. Buti na lang wala akong asawa, walang kahati,” aniya sa kanyang Facebook post.
Makikita rito ang detalyadong breakdown ng kanyang assets na nagkakahalaga ng P501,704,700 at kabuuang liabilities na sa P38,125,308.
Liza ‘duguan’ ang puso para sa mga Pinoy na hindi makapagtrabaho: Is our country really this poor…?
Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful
Jake Ejercito sa lahat ng boboto sa Eleksyon 2022: Be loyal to the country…not to politicians
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.