Liza ‘duguan’ ang puso para sa mga Pinoy na hindi makapagtrabaho: Is our country really this poor…?
TALAGA bang sobrang hirap na ng Pilipinas?
Iyan ang tanong ng Kapamilya actress na si Liza Soberano sa gitna ng bigla na namang pagtaas ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Nag-aalala na naman ang dalaga sa sitwasyon ng mga manggagawang Filipino ngayong nagpatupad uli ng mas mahigpit na health protocols ang pamahalaan, partikular na sa National Capital Region at mga kalapit probinsya.
Sa pamamagitan ng Twitter, ibinandera ng girlfriend ni Enrique Gil ang kanyang saloobin para sa patuloy na paghihirap ng mga Pinoy habang patuloy na nakikipaglaban ang sambayanan sa killer virus.
“My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out and work. They literally have to choose between dying of starvation or dying of COVID,” unang tweet ni Liza.
Aniya pa, “Is our country really this poor to no be able to provide stimulus? Genuine question lang po.”
Ipinahayag ito ng aktres matapos mabalitang umabot na sa mahigit 8,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon na itinuturing na namang record-high mula noong magsimula ang pandemya.
Sa isa pa niyang tweet, ikinumpara rin ni Liza ang sitwasyon ngayon ng bansa sa Amerika kung saan naninirahan ngayon ang kanyang pamilya.
“America has received 2 rounds of stimulus already, waiting on the 3rd.
“COVID testing is free, vaccination is free. Where is the support for the poor in our country? Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills,” sabi ng dalaga.
Ni-retweet din ni Liza ang comment ng isa niyang follower sa ginawa niyang pagkukumpara sa ginagawa ng Pilipinas sa pagkontrol sa pandemya sa sistemang ipinatutupad ng US.
“You’re comparing our ‘poor’ country to the first world country? lmao. Yes Liza, our country is too poor to feed every filipino’s mouth. So, don’t expect that much. I still do appreciate your compassion tho,” sabi ng isang netizen kay Liza.
“The point here is not to compare financial status but to compare where the funds go and how it was spent,” ang sagot naman ni @Athenaaaa08.
“We’re not, as you say, as rich as America and no, we’re not expecting every single Filipino to be fed or vaccinated. We just wanna see that at least SOME are getting help,” dagdag pa ng nagtanggol sa aktres.
Kasunod nito, muling nag-post ng message sa Twitter si Liza, “Hayy I honestly don’t even know if my tweets/ my voice is actually doing anything. We can only pray for compassion now. Good night everyone! God bless all of you. Stay home if you can.”