Lee O’Brian may sweet Valentine post para sa anak nila ni Pokwang
ISANG short but sweet message ang ipinahayag ni Lee O’Brian, ex-partner ni Pokwang, sa kanilang anak na si Malia nitong Valentine’s Day.
Sa kanyang Instagram page ay ipinost niya ang larawan nila mag-ama na nasa loob ng isang heart-shaped frame.
“Happy Valentines Day to you, my Malia!” saad ni Lee.
Dagdag pa niya, “You’re always in my heart and I love you!”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post ni Lee.
Ang ilan ay panig sa kanya at ang iba naman ay ukol sa umano’y hindi nito pagiging maayos na ama para kay Malia.
Baka Bet Mo: Pokwang wagi, Lee O’Brian pinapa-deport ng Bureau of Immigration
View this post on Instagram
“Happy Valentine’s Day sir to you and Malia! No matter what, take care of Malia. Who cares about the mother. I still support you no matter what happens. Team Lee!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Hope you can spend time with your daughter this Valentine’s Day. Hope you and pokwang will reconcile one day. Happy Valentine’s Day to you and God bless you always.”
“Grabe nman yung suporta ninyo Kay Mr.
Lee parang di kyo babae! Naiintindihan ko kyo pero sana bilang babae mas intindihin ninyo si Miss Pokwang! Kung Ano yung pinag lalaban nya. Kung makapag Salita Kyo wagas imbes jntindihin si Miss Pokwang Kung Ano pa sinasabi ninyo,” sey naman ng isang netizen.
May isang netizen rin na nagtanong kung nasaan naman si Pokwang at kung nasa puso pa ba ito ng Amerikano.
Si Pokwang na nga mismo ang sumagot sa tanong ng netizen kay Lee.
“wala naman puso yang user nayan hahaaha,” diretsahang sagot ng Kapuso actress-comedienne.
Matatandaang 2021 pa nang maghiwalay sina Lee at Pokwang.
Nitong June 2023, nag-file ng deportation case si Pokwang dahil ayon rito, nagtatrabaho ang kanyang ex-partner sa Pilipinas na walang permit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.