Herlene: Nasaktan na ako ng Pinoy, ba't 'di subukan ang AFAM

Herlene: Minsan na ‘kong nasaktan ng Pinoy, ba’t ‘di subukan ang AFAM

Ervin Santiago - October 15, 2024 - 12:35 AM

Herlene: Minsan na 'kong nasaktan ng Pinoy, ba't 'di subukan ang AFAM

Tony Labrusca at Herlene Budol

IN fairness, positibo ang pagtanggap ng mga fans sa tambalan nina Herlene Budol at Tony Labrusca sa bagong teleserye ng GMA 7 – ang “Binibining Marikit.”

Ito ang follow-up project ni Herlene sa Kapuso Network pagkatapos ng matagumpay niyang afternoon series last year na “Magandang Dilag” kung saan nakasama niya sina Rob Gomez at Benjamin Alves.

Siyempre, feeling blessed na naman ang Kapuso actress-beauty queen sa panibagong teleserye niya sa kanyang mother network.

Sey ni Herlene, magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon sa pagbabalik niya sa paggawa ng teleserye, pero mas lamang pa rin naman daw ang saya at excitement.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat may pa-dyowa reveal sa TikTok, pero binasag agad ng basher: ‘Ba’t yarn?’

“May kaba, may pressure. Kasi from Magandang Dilag ibang-iba raw talaga ito. Natatakot ako na kaya ko bang tapatan ‘yung last time,” pahayag ni Herlene sa panayam ng “24 Oras.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Isa sa mga makakasama ni Herlene sa serye ay ang TV host-comedienne na si Pokwang na first time makakatrabaho ng beauty queen sa isang acting project. Nagkasama na ang dalawa sa daily variety show ng GMA na “TikToClock.”

Kuwento ni Herlene, “Siya pa ho ang nagbalita sa akin na, ‘Anak, ready ka na ba?’ Sabi ko, ‘Bakit?’ ‘Bakla ka, ako ang nanay mo sa palabas mo.’ So ako, ‘Talaga? ‘Di nga?’ ganu’n ‘yung reaction ko,” pagbabahagi pa ni Herlene sa naturang panayam.

Isa sa magiging leading man ni Herlene sa “Binibining Marikit” ay ang hunk actor na si Tony Labrusca na first time gagawa ng proyekto sa Kapuso network.

Sey ni Herlene, “Kinilig naman ako! Kasi siyempre ang gwapo naman talaga lalo na sa personal. Pero before nagkakasama-sama naman kami sa labas, mga friends.”

Bukod kay Tony, may isa pa raw makakatambal si Herlene sa “Binibining Marikit” at isa raw itong foreigner.

Hirit nga ni Herlene, “Ito ‘yung tanong diyan e: Pang-ano ba ‘ko? Pang Pinoy o pang AFAM? Nasaan ba ang future ni Ikit (name ng kanyang character)?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)


Sa tanong kung ano ang mas type niyang maging dyowa, Pinoy o foreigner, sagot ng komedyana, “Kasi minsan na ‘kong nasaktan ng Pilipino, ba’t ‘di natin subukan ang AFAM? Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa cast ng “Binibining Marikit” sina Cris Villanueva, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Dr. Rob Walcher, Ashley Rivera, John Feir, Jeff Moses, Migs Almendras at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending