Xyriel Manabat may pa-dyowa reveal sa TikTok, pero binasag agad ng basher: 'Ba't yarn?' | Bandera

Xyriel Manabat may pa-dyowa reveal sa TikTok, pero binasag agad ng basher: ‘Ba’t yarn?’

Ervin Santiago |May 30,2023
facebook
share this

Xyriel Manabat may pa-dyowa reveal sa TikTok, pero binasag agad ng basher: ‘Ba’t yarn?’

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 08:02 AM

Xyriel Manabat may pa-dyowa reveal sa TikTok, pero binasag agad ng basher: 'Ba't yarn?'

Xyriel Manabat at Nat Toledo

SUPER flex ang Kapamilya young actress na si Xyriel Manabat sa kanyang non-showbiz boyfriend sa social media.

Sa pamamagitan ng TikTok, ipinakilala ng dating child star na dalagang-dalaga na ngayon, ang dyowang si Nat Toledo, na game na game ring nagpakita ng kanyang dance moves sa video na ipinost ni Xyriel.

Mapapakinggan sa nasabing TikTok entry ang kantang “If We Ever Broke Up” ni Mae Stephens habang sinasabayan nina Xyriel at Nat sa kanilang pa-cute na sayaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


“@NatToledo subukan brumoke up tamo,” ang caption na inilagay ni Xyriel sa kaniyang post.

Hirit naman ni Nat, “Crush ko lang dati gf ko na ngayon.”

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Sa comments section, biniro ng kanyang mga fans at followers si Xyriel kung naipakilala na ba niya kay Angel Aquino, na gumaganap na nanay niya sa seryeng “Dirty Linen” serye ang kanyang boyfriend.

Game na game na sagot ni Xyriel, “Kilala na po.”

May naligaw namang isang basher na nang-okray sa non-showbiz dyowa ng dalaga. Ang nakakalokang tanong nito young actress, “Ba’t ‘yan?”

Sinagot naman siya ni Xyriel ng, “Bakit ka nangingialam?”

Narito pa ang ilan sa mga comments ng netizens sa pa-dyowa reveal ni Xyriel sa TikTok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙉𝙖𝙩𝙝𝙖𝙣𝙞𝙚𝙡 𝘼𝙫𝙞𝙡𝙖 𝙏𝙤𝙡𝙚𝙙𝙤 (@ja.mornat)


“Pakasuwerte naman ng guy!”

“Dalaga na talaga si Madam Ana Manalastas!”

“May jowa reveal ang ferson!”

“Sana naman pumila ‘yan, biglang nakasingit kay Xyriel.”

“Don’t mind your bashers masaya kami para sa’yo mhie!!!”

Belle Mariano umaming nawalan na ng pag-asa sa showbiz: Anong nangyayari, ba’t ganito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending