Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng 'Dirty Linen'; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal | Bandera

Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Ervin Santiago |February 06,2023
facebook
share this

Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Ervin Santiago - February 06, 2023 - 08:08 AM

Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng 'Dirty Linen'; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Xyriel Manabat

MATAGAL mang nawala sa mundo ng showbiz, pinatunayan ng dating child actress na si Xyriel Manabat na hindi nawala o kinalawang ang kanyang galing sa pag-arte.

Grabe ang ipinakikitang acting ngayon ni Xyriel sa inaabangang hit Kapamilya series na “Dirty Linen” kung saan gumaganap siya bilang isa sa mga kontrabida.

Pinagbibidahan naman ito nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, Angel Aquino, Joel Torre, John Arcilla, Tessie Tomas at marami pang iba.

Ginagampanan ni Xyriel sa serye ang karakter ni Antonette Pavia, ang magiging third party at pahirap sa tambalan nina Francine at Seth.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


Ayon kay Xyriel na dalagang-dalaga na ngayon, hindi raw niya inaasahan na mapapabilang siya sa  powerhouse cast ng “Dirty Linen” na trending gabi-gabi.

“Hindi ko po alam na ganito kalaki ang cast, ang nabanggit lang po talaga is kung okay ka ba parang kontrabida sa show ng FranSeth (Francine at Seth) ‘yun lang po talaga ang nabanggit na cast FranSeth,” sey ni Xyriel.

Shookt nga raw siya nang makita sa storycon ng “Dirty Linen” sina Janine at Zanjoe pati na ang mga iniidolo niyang award-winning veteran stars.

Aniya pa, nang ialok sa kanya ang serye ay hindi talaga siya nagdalawang-isip kahit pa kontrabida ang kanyang role.

“Hindi naman po ako nagdalawang-isip. Kasi ‘yun lang po ang hinihintay ko noong nag-stop po ako. Naghihintay lang naman po ako nang magiging malapit po sa puso ko na offer na alam ko rin na hindi puwedeng palagpasin.

“Sobrang grateful at thankful na nakabalik po ako with Star Magic, of course.

“Hindi ko na po nakikita ang sarili ko na babalik sa industry na hindi po sila ang nagha-handle sa akin. And happy po ako na nakasama po ako dito sa ‘Dirty Linen.’ Sobrang thankful po ako sa mga bosses,” aniya pa.

Nabanggit din ng dalaga na may mga natanggap din siyang offer noong namahinga siya sa showbiz, “Actually sobrang hirap po kasi kahit gaano karaming offer po nung mga time na nagre-rest po ako sa industry, parang ang hirap pong tumanggap ng offer na makakapagpabalik po talaga sa inyo knowing na worth the risk siya and talagang mabibigyan mo ng justice ‘yung role.

“So natuwa po ako roon sa offer na kasama ang mga cast and knowing na kontrabida naman ako dito,” sabi pa ng former child star.

“Sobrang honored po ako na sa Dreamscape at sa Kapamilya network pa rin po ako babalik,” ani Xyriel na unang sumikat sa Kapamilya series na “Momay” (2010) at “100 Days To Heaven” (2011).

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Dating child star na si Xyriel Manabat dalagang-dalaga na, handa na bang sumabak sa pagpapa-sexy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending