Dating child star na si Xyriel Manabat dalagang-dalaga na, handa na bang sumabak sa pagpapa-sexy? | Bandera

Dating child star na si Xyriel Manabat dalagang-dalaga na, handa na bang sumabak sa pagpapa-sexy?

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Dating child star na si Xyriel Manabat dalagang-dalaga na, handa na bang sumabak sa pagpapa-sexy?

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 07:12 AM

Dating child star na si Xyriel Manabat dalagang-dalaga na, handa na bang sumabak sa pagpapa-sexy?

Xyriel Manabat

DALAGANG-DALAGA na ang dating child star na si Xyriel Manabat at super sexy na kaya naman hindi maiwasan na mapanganga at mapa-wow ang mga kalalakihan.

Rumampa si Xyriel sa nakaraang celebrity and press screening ng upcoming Kapamilya drama series na “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Isa ang dalaga sa miyembro ng supporting cast ng naturang serye na rumampa sa red carpet premiere na ginanap sa Trinoma Mall Cinema at kitang-kita namin ang reaksyon ng mga taong naroon.

Gulat na gulat ang mga nakakita sa Kapamilya actress dahil nga parang fresh pa sa kanila ang itsura noon ng former child star na napapanood nila sa mga serye ng ABS-CBN.

Kaya naman ang sabi ng young actress, gusto niyang ipakita sa madlang pipol na hindi na siya bata at handa na siyang mag-try ng iba’t ibang role na babagay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


“Siguro po, hindi naman po sa pinaghahandaang iba. Siguro iba lang siya kasi ‘yung nakasanayan po nila is ‘yung batang Xyriel so siguro ngayon, mas open and real na version ko po,” pahayag ng dalaga.

Pero mariin niyang sinabi na hindi pa siya ready na tumanggap ng  mga sexy roles sa teleserye at pelikula kahit pa medyo liberated na ang pananaw niya sa buhay.

“Hindi naman po siya liberated, more on hindi lang takot or conservative as what with usual tradition po sa Filipino culture, pero hindi naman po sobrang liberated na wild talaga,” katwiran ng dating child star.

Nabanggit din ni Xyriel na may mga natatanggap siyang offer na  gumawa ng sexy projects pero mabilis niya itong tinatanggihan dahil feeling niya hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga ganu’ng klase ng proyekyo.

“Siyempre po, kailangan pa rin i-consider sa Star Magic and for me, if kaya ko naman bigyan ng justice ang role, wala naman pong mali.

“If part siya ng role and hindi ‘yung pinilit lang just to be sexual and if it’s part of the role or the star, sure. Pero kung dahil pa-sexy or sexual lang parang hindi po,” sabi pa ng young actress sa isang panayam.

Matatandaang bumida si Xyriel sa mga hit Kapamilya series na “Momay” at “100 Days To Heaven” noong 2010 at 2011.

Xyriel Manabat tinupad ang naudlot na 2021 bucket list

Xyriel Manabat bet maka-love team si Zaijian Jaranilla

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens awang-awa kay Dennis Padilla, dinedma-dedma pa rin daw ng mga anak nitong Pasko at Bagong Taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending