Netizens awang-awa kay Dennis Padilla, dinedma-dedma pa rin daw ng mga anak nitong Pasko at Bagong Taon | Bandera

Netizens awang-awa kay Dennis Padilla, dinedma-dedma pa rin daw ng mga anak nitong Pasko at Bagong Taon

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Netizens awang-awa kay Dennis Padilla, dinedma-dedma pa rin daw ng mga anak nitong Pasko at Bagong Taon

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 01:07 PM

Netizens awang-awa kay Dennis Padilla, dinedma-dedma pa rin ng mga anak nitong Pasko at Bagong Taon

Dennis Padilla, Julia, Leon at Claudia Barretto

DUMAAN ang Pasko at Bagong Taon pero dedma pa rin si Julia Barretto at ang kanyang mga kapatid sa kanilang amang si Dennis Padilla.

Hindi nakalimutang batiin ng veteran comedian ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto noong Christmas Day na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Talagang nag-post pa siya sa Instagram ng bawat litrato ng mga anak kalakip ang kanyang holiday greeting para sa mga ito. Pero lumipas nga ang Pasko na wala siyang natanggap na mensahe mula kina Julia.

Sa kabila nito, muling nagpaabot ng pagbati si Dennis nitong Bagong Taon para sa apat na anak, “Happy new year mga anak. Praying for more blessings 2023. Labyu all!” Makikita rin sa IG post ni Dennis ang sulat-kamay niyang liham.

Maraming netizens ang naawa at nalungkot para kay Dennis dahil hanggang ngayon ay namamalimos pa rin siya ng atensyon at pagmamahal mula sa mga anak.

“Happy new year. Sad to note na m[ay] mga anak palang ganon, mga pusong bato. Nakapagtataka din bakit ang mother hinahayaang i-deadma ang ama nila.”

“Idol if your siblings will not approach you and ask forgiveness and fix everything ‘Mark my work that is their biggest regret in their whole life. Always remember Gods words Forgive and you will be forgiven.”

“Hey Leon, don’t you know ikaw ang kamukang kamukha ng Tatay mo? Wag ka ng sumali sa emotions ng mga sisterettes mo, babae mga yun. Ikaw ang lalaki dapat ikaw ang nakakaintindi.”

“The mother of his children should make ways to reunite them. I am sure she can convince their children in a Godly way that if she’s knows the principle in the Bible and if she’s a true believer then she should make peace with him!”

“Sana ur children will reunite with u, may they find forgiveness in thier heart for whatever it is that u have done to them…afterall u are their father.”

“I grew up without dad , he is still alive, i dont believe that your children dont love you and i dont believe that they hate you , dee in their heart there is love , if they say they dont , they are not telling the truth. Their mom has to tell them that you are their father and your love is unconditional … one day you will be gone … my mom and dad is separated but never did my mother tell bad things about my dad.”

“Sariling nanay kc nila hndi kayang suportahan ang kilalanin kang tatay. Kung mayaman ka lang baka mtagal ka ng npatawad. Simple as that.”

“I can’t still understand why ganun ka nalang idedma ng mga anak mo sir… Ako sobrang close ko sa father ko.. Sana wag turuan ng mother ang mga anak nyo to hate you bcoz you are still the father.. That’s how I told to my kids also.. Kahit anong pagkukulang pa Un at magka hiwalay pa kau u are still the father.”

“Sunshine and Ruffa are the best Mother to their children.”

“Ano, hihintayin pang mah hingalo o mag agaw buhay, ska lalapit s magulang, at magiinarte at ssbhin sorry (mama/papa, tatay /nanay, Daddy /mommy) mahal n mahal po nmn kyo, ptwad po, i love you po. Kung kailang mamatay n, pra san p mga ssbhin hindi n naiintindihan ng magulang dhil nag aagaw buhay n. By the way happy new year po.”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments sa IG post ng beteranong komedyante.

Samantala, sa isang Instagram post naman ni Marjorie nitong nagdaang Bagong Taon, makikita ang pagse-celebrate ng pamilya Barretto sa pag-welcome sa 2023.

Sa isang litrato, naroon din ang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson.

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending