Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko... Bandera

Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Ervin Santiago |May 04,2021
share this

Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Ervin Santiago | May 04,2021 - 09:10 AM

NAGLABAS ng kanyang saloobin si Julia Barretto tungkol sa kanyang amang si Dennis Padilla sa latest vlog post niya sa YouTube.

In-interview ng aktres si Dennis at napag-usapan nga nila ang naging relasyon nila noon bilang mag-ama. Dito, nagkaaminan ang mag-ama sa kanilang past issues.

Ayon kay Dennis, talagang matindi ang epekto sa kanya noong maghiwalay sila ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto pero ang pinakamasakit daw ay nang malaman niyang gusto ng anak na papalitan na ang apelyido nitong Baldivia.

“Kilalang-kilala ka na bilang Barretto kaya bakit kailangang palitan pa ang apelyido mo. Hindi ko maintindihan kasi isa kang Baldivia, anak kita,” sabi ng komedyante na sumama rin daw ang loob dahil walang nakipag-usap sa kanya tungkol dito.

Samantala, dumepensa naman ni Julia sa mga sinabi ng ama, “You always feel like ‘I’m not hearing from anyone,’ not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before.

“That’s why you couldn’t hear from us because at that point, we were already too scared of you,” aniya pa.

Ang hiling daw noon ng dalaga, sana raw ay maisip at matanggap din ni Dennis sa sarili na may mga ginagawa siya na ikinatatakot ng kanyang mga anak.

“Before, when we would speak on the phone, you wouldn’t have the best tone and the best choice of words and that scarred, traumatized and scared me,” sabi ng aktres.

Ngunit sa kabila ng lahat, lumaban pa rin si Julia para hindi tuluyang masira ang relasyon nilang mag-ama, “I didn’t ever give up. If I had given up, we wouldn’t be talking right now. I kept trying and that was painful for me.

“I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad,” dagdag pang chika ng dalaga.

Paalala niya kay Dennis, “You have to look at why we aren’t talking to you. Why were we so scared to talk to you? You have to understand there were so much pain and fear.”

“But I’m so glad that you have a good relationship with me and all of your kids now. I’m so proud of you because I saw the change, of heart,” sabi pa ng girlfriend ni Gerald Anderson.

Mensahe naman ni Dennis, “I’m building my faith again. I need to be restored. Binigyan ako ng chance mabuhay, makabawi sa Kanya, sa inyong lahat ng mga anak ko.”

Kasama ngayon ni Dennis sa buhay ang kanyang Filipino-Australian partner na si Linda Gorton at meron na rin silang dalawang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending