Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There's just so much fear inside me Bandera

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Therese Arceo |September 16,2022
share this

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Therese Arceo - September 16, 2022 - 05:08 PM

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There's just so much fear inside me

INAMIN ng aktres na si Julia Barretto na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikipag-usap sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Sa kanyang interview sa YouTube vlog ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila na uploaded nitong Huwebes, Setyembre 15, ibinahagi niya kung bakit hindi pa rin sila nakakapag-usap ng kanyang ama.

“I’ll be very honest, we have not spoken, and it’s because there’s just so much fear inside me now, if I’m being very open,” saad ni Julia.

Aniya, tila paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari kung saan magkakaayos sila at mag-uusap pagkatapos ay magkakaroon na naman sila ng hindi pagkakaintindihan.

Pagpapatuloy pa ni Julia, “I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt.

“You know, I kinda just want to huminga lang muna from that cycle.”

Lahad niya, ipinagdarasal rin daw niya sa Diyos na dumating ang panahon kung saan magkikita at magkukrus muli ang landas nilang mag-ama at hindi na muling magkakasakitan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Matatandaang noong 2015 nang magkaayos muli ang mag-ama matapos ang kanilang tampuhan dahil gusto ni Julia na palitan ang kanyang apelyido na Baldivia,tunay na apelyido ni Dennis, at maging Barretto na siyang apelyido ng kanyang inang si Marjorie.

Matapos nito ay nagkaroon pa ng maliliit na tampuhan ang dalawa at ang huli ngang pinag-usapan ng publiko ay ang naging post ni Dennis nitong June 2022 kung saan tila nagtatampo siya dahil nakalimutan siyang batiin ng mga anak sa nagdaang Father’s Day.

Nang tanungin naman ni Karen si Julia kung napatawad na nga ba niya si Dennis ay mukhang na-forgive naman na niya ang ama ngunit may takot siyang nadarama.

“I think, it’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there’s just a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen.

“But forgiveness, of course, definitely, that’s my own peace of mind, di ba?” sagot ni Julia.

Sabi pa ng aktres, hindi raw niya ipagkakait ang kapatawaran sa kanyang ama pero sa ngayon ay talagang hindi pa rin siya handa.

“I think, there’s just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing,” lahad ni Julia.

Nang tanungin naman siya kung mas mabigat ba sa kanyang pasanin ang alitang mag-ama ay diretsahan naman itong sinagot ng aktres.

Tugon ni Julia, “Di ba nga, sa commandments, the Bible, no matter what happens, they’re your parent So, I always ask God, I always ask him, ‘You know, a parent is a parent and I’m only just a child, but at the same time, saan yung boundary na a child is also allowed to get hurt and have their own pains?’

“And I just need more love from him, I think. I just need more love, more protection. I just feel, like, he should be my number one protector, and that’s not really what I’m getting right now from him, so it does hurt.

“It does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko, di ba? But, it’s sad that I can’t. So, I pray for it. Like, ‘God, can you forgive me even if, like, right now, hindi pa okay lahat?'”

Pag-amin ni Julia, sinusubukan naman daw ng ama na magkaayos sila ngunit ayaw na niyang pilitin pa ang sarili na manumbalik sa dati nilang relasyon.

“I won’t lie, I mean, he’s tried. I’m just really not ready and ayokong… I don’t wanna force myself also. Because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo. So, I wanna get to a point na when we speak, it’s when I’m ready,” sey ni Julia.

Related Chika:
Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Babala ni Dennis sa mananakit sa mga anak: Gaganti ako, hindi na ako comedian nu’n, action star na ako!

Julia Barretto may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending