Babala ni Dennis sa mananakit sa mga anak: Gaganti ako, hindi na ako comedian nu'n, action star na ako! | Bandera

Babala ni Dennis sa mananakit sa mga anak: Gaganti ako, hindi na ako comedian nu’n, action star na ako!

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Babala ni Dennis sa mananakit sa mga anak: Gaganti ako, hindi na ako comedian nu’n, action star na ako!

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 11:25 AM

Julia Barretto at Dennis Padilla

MAY pagbabanta ang naging sagot ng veteran comedian na si Dennis Padilla nang tanungin kung ano ang gagawin niya sakaling may manakit sa kanyang mga anak.

Sinabi ni Dennis na medyo okay na ngayon ang relasyon niya sa mga anak nila ni Marjorie Barretto partikular na kay Julia Barretto.

Aminado naman ang komedyante na nagkulang din siya bilang tatay sa mga anak kaya kahit paano ay gusto niyang bumawi sa mga ito at iparamdam ang kanyang wagas na pagmamahal.

“Okay naman (kami ni Julia at iba pang mga anak). Although siyempre parang kang nagsisimula ulit. So galing kami sa misunderstanding so now nagsisimula pa lang kami. So one step at a time, building it up again. 

“Kailangan lang talagang open yung communication para lahat ng nararamdaman mo nasasabi mo na kagad, hindi mo napupuno.

“So ganu’n din sa side nila, kailangan naka-open yung communication at tuluy-tuloy para meron kayong magandaang napag-uusapan, may magandang napupuntahan yung mga topics ninyo,” ang pahayag ni Dennis sa nakaraang virtual mediacon ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!” kasama sina Janno Gibbs at Andrew E.

View this post on Instagram

A post shared by Julia (@juliabarretto)


Mukhang boto naman si Dennis sa boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson kaya natanong si Dennis kung hanggang saan ang kaya niyang gawin kapag may nanakit sa kanyang mga anak.

“Kapag niloko emotionally, eh ganu’n talaga ang buhay sa tingin ko. Basta huwag lang sasaktan. Dahil kapag sinaktan nila yung mga anak ko physically ah, physically din ang igaganti ko. 

“Sigurado yun. Hindi na ako comedian nu’n, action star na ako,” ang biro ni Dennis na may bahid din ng pagkaseryoso. 

Samantala, payag naman daw si Dennis kung papasukin din ng iba pa niyang anak ang showbiz tulad nina Julia and Claudia.

“Oo, basta mahilig, oo. Kailangan lang magtapos muna sila kahit high school. Tapusin muna nila high school tapos after that saka kami mag-usap. 

“Kung talagang seryoso kayong mag-aartista, talagang you have to put your heart into it. Hindi ito libangan, career ito. 

“Parang pagdodoktor, parang pagna-nurse, parang pag-aabogado. Pag mag-aartista ka talagang you put your heart and soul into it. So kung ganu’n ang gusto nila, talagang tutulungan ko sila. 

“Ipakikilala ko sila sa mga contacts ko sa showbiz industry para matulungan, kailangan lang seryoso. Basta ang gusto ko after high school,” tugon ni Dennis.

Inamin din ng komedyante na hindi pa niya nakakasama ang mga anak kay Marjorie ngayong holiday season dahil pare-pareho raw silang busy.

“Tawagan lang, video call. Batian lang. Siguro kami nina Julia after New Year na kami magdi-dinner kasi they were so busy din and may mga business pa sila on the side eh, busy din ako. 

“So sabi ko after the Christmas season. Tapos gusto ko bago ko sila imi-meet, magsa-swab test din ako and mag-a-isolate din ako ng one day bago ko sila puntahan para safe sila,” aniya pa.

Para naman sa mga nakapanood ng part one ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” nina Dennis, Andrew E at Janno, kailangang panoorin n’yo rin ang sequel nito sa Vivamax na magsisimula na sa Dec. 31, sa direksyon ni Al Tantay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya

Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending