Ate Guy sa isyu ng gourmet tuyo business nila ni Matet: 'Hindi ko alam na ikakasama ng loob niya' | Bandera

Ate Guy sa isyu ng gourmet tuyo business nila ni Matet: ‘Hindi ko alam na ikakasama ng loob niya’

Ervin Santiago |February 21,2023
facebook
share this

Ate Guy sa isyu ng gourmet tuyo business nila ni Matet: ‘Hindi ko alam na ikakasama ng loob niya’

Ervin Santiago - February 21, 2023 - 04:41 PM

Ate Guy sa labanan na gourmet tuyo business nila ni Matet: 'Hindi ko alam na ikakasama ng loob niya'

Nora Aunor at Matet de Leon

NAGPAKATOTOO ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa pagsasabing marami talaga siyang pagkukulang sa kanyang mga anak.

Naglabas ng kanyang saloonin ang National Artist for Film and Broadcast Arts tungkol sa relasyon niya ngayon sa kanyang limang anak na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Sa guesting ni Ate Guy sa “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, February 20, napag-usapan nga ang naging kontrobersya sa pagitan nila ni Matet moong December, 2022.

Ito yung reklamo ng aktres laban sa sariling ina dahil kinalaban at kinumpitensiya umano nito ang kanyang bottled-gourmet tuyo business.

Kung anu-anong maaanghang na salita ang binitiwan ni Matet laban kay Ate Guy nang malaman niya ang tungkol dito. Nasabi pa nga niya na hinding-hindi na kakausapin ang ina dahil sa ginawa nito.

Pero nitong January, 2023, ibinalita ni Matet na nag-usap at nagkaayos na sila ng kanyang ina. Nagkapaliwanagan na raw sila at na-settle na ang hindi pagkakaunawaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matet (@misismatet)


“Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na. Nakita na nila, nag-upload na ng video si Kuya John (Rendez). I think I spoke too soon when I said I didn’t want to talk to her anymore. See what anger can do?” ang pahayag ni Matet sa isang panayam.

Nagsalita rin si Ate Guy sa “Fast Talk With Boy Abunda” tungkol dito,  “Yun naman kasi, hindi kami… siguro may pinagdaraanan yung anak ko at hindi ko rin naman alam na may pinagdaraanan siya.

“Ang sa akin, nagkaroon ako ng ano na, ‘Halika, maggawa tayo ng tuyo,’ na hindi ko alam na ikakasama ng loob niya. Nagkaroon ng sama ng loob. Pero tulad ng sinabi ko kanina, importante yung nag-uusap,” paliwanag ng award-winning actress.

Dagdag pa niya, “Okay kami ngayon, dinadalaw ako ng mga anak ko. Si Ian, kararating nga lang pala ni Ian, galing Japan. Kapag Sunday, pinapasyalan nila ako, lahat silang pamilya.”

Bukod dito, maayos na maayos na rin daw ang relasyon nila ni Lotlot at sa katunayan, napapadalas na ang pagkikita at pagba-bonding nilang mag-ina

“Si Lotlot, lately nagkikita kami at pinuntahan din niya ako,” chika ni Nora.

Sa isang bahagi ng panayam, inamin din ni Ate Guy na marami talaga siyang pagkukulang sa mga anak.

“May mga pagkakataon na siyempre alam ng tao na hindi ko kasama yung mga bata. Siyempre nami-miss ko rin naman sila.

“Meron kaming mga hindi pagkakaintindihan na, sabi ko nga sa yo, hindi ko naman itinatago. Pero ang importante, yung nagkakausap kayo.

“Nagkakaunawaan kung ano yung pagkukulang ng mga anak, magbibigay ang ina, kahit ano pa man yon. Sabi nga nila, nanay ka. Dapat ipakita mo sa mga anak mo kung ano talaga ang tama.

“Sa mga pagkukulang, marami akong pagkukulang sa mga anak ko. Pero kapag nagkikita naman kami, nasasabi ko yung mga sama ng loob ko sa kanila.

“Napag-uusapan namin kung ano yung dapat gawin. Nakikinig naman sila. Ang importante, nagkakausap,” diin pa niya.

Jaclyn nag-sorry sa pagkukulang kay Andi: Anak napakatapang mo, hinahangaan kita

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matet de Leon pumalag sa basher na nagsabing ‘laos’ na siya: Hindi po nalalaos ang supporting actors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending