Jaclyn nag-sorry sa pagkukulang kay Andi: Anak napakatapang mo, hinahangaan kita | Bandera

Jaclyn nag-sorry sa pagkukulang kay Andi: Anak napakatapang mo, hinahangaan kita

Ervin Santiago |March 24,2021
facebook
share this

Jaclyn nag-sorry sa pagkukulang kay Andi: Anak napakatapang mo, hinahangaan kita

Ervin Santiago - March 24, 2021 - 09:35 AM

MALALIM ang hugot ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose para sa anak niyang si Andi Eigenmann.

Nag-sorry si Jaclyn kay Andi sa lahat ng kanyang naging pagkukulang bilang ina at saludo raw siya sa pagpapalaki ng aktres sa tatlo nitong anak.

Idinaan ng beteranang aktres sa Instagram ang madamdamin niyang mensahe para kay Andi kalakip ang kanilang throwback photo kung saan baby pa ang fiancé ni Philmar Alipayo.

Sey ni Jaclyn sa caption, “Anak, hinahangaan kita sa kung anong meron ka sa buhay ngayon.

“Napakatapang mo, sana ako rin. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata.

“Sorry sa lahat ng pagkukulang ko… Anak, mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. Mag-ingat ka palagi,” pahayag ng aktres.

Matatandaang ibinandera rin ni Jaclyn sa IG ang ibinigay niyang blessing sa pagsasama nina Andi at Philmar matapos nga ang announcement ng kanilang engagement.

“And then she said ‘yes’ and swam away. I so love the nuances in the photo. It says a million why I like this guy.

“Be merry and healthy, I will always have your back. Madami ako natutunan sa’yo and I am thankful to have a daughter who can make me bow in all her decisions in life.

“I love and admire you. Be yourself, anak. Swim your dreams. Paghango mo, andito ako at si Gwen. I admire you for balancing Ellie to be the first… I am happy my family is growing. I can’t wait to meet the baby boy!” ang mensahe ni Jaclyn sa engaged couple.

Makalipas ang ilang buwang pananatili sa Manila, nakabalik na sina Philmar at Andi kasama ang mga anak nilang sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Nag-post nga agad ang aktres ng litrato sa IG kung saan makikita ang pagdating nila sa Siargao, “[We’re] no longer tourists but this is how we will always see the island as anyway. A dream. Paradise.

“Forever in awe of the beauty and all the good this island continues to bring us.”

Bukod sa pag-aayos at paglilinis ng bahay nila sa isla, kinakarir na rin ngayon ni Andi ang kanyang balik-alindog program matapos ipanganak ang ikatlong anak.

Ipinost niya ang kanyang selfie photo sa IG na may caption na, “I’m still nine weeks post-partum so I have to ease back into it first.

“Listen to your body. The first challenge is just to see how far I can go in 10 minutes and see how long until I can beat it.

“It’s a nice, quick way to get some exercise without being away from breastfeeding the baby for too long. It’s also a nice way to prep before surfing again,” sey pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mismong si Jake Ejercito naman ang sumundo sa anak nila ni Andi na si Ellie sa Siargao dahil kailangan na raw ng bagets na bumalik ng Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending