Matet de Leon pumalag sa basher na nagsabing ‘laos’ na siya: Hindi po nalalaos ang supporting actors
PUMAPALAKPAK kami sa sagot ni Matet de Leon sa basher na sinabihan siyang, “Papansin ka lang e. Laos is real! Yeah ampon ka sabi mo kaya dapat tumanaw ka ng utang na loob sa nagpalaki sa’yo.”
Sinagot ito ng aktres, “Hindi po nalalaos ang supporting actors. Mga bida lang po. Labyu (emoji laughing face).”
Hindi nalalaos si Matet kasi laging kailangan ng supporting role sa bawa’t series o pelikula at lagi siyang nasasama. Totoong nalalaos ang mga bida o naging bida na.
Sa pagkakaalam namin ay laging tumatanaw ng utang na loob si Matet sa mama Nora Aunor niya dahil in her own little way ay ginagawa naman niya ang role bilang anak, pero siyempre may sarili ring pamilya na ang una at kailangan niyang i-prioridad ito.
Matatandaang nagsimulang i-bash si Matet kaya naka-off ang comment section ng IG post niya na naglabas siya ng sama ng loob dahil kinumpetensiya siya ng kanyang mama Guy sa pagbebenta ng bottled Tuyo, Tinapa at iba pa.
Ang post ni Matet kamakailan, “Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? how can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO.
Nu’ng isang gabi, sinabihan ako na na mag resell na lang ng products ng nanay ko. Pinag hihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko. Alam niyang may produkto akong ganyan. Marami naman daw akong taping. Ano sa tngin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?”
Gusto naming intindihin si Ms Nora sa sitwasyong ito na kailangan niya ng pagkakakitaan dahil nga hindi naman regular ang tapings niya at kaya siguro ito ang naisip niyang i-negosyo ay dahil mabenta nga lalo na ngayong holiday season na puwedeng ipang-regalo.
Pero teka, mukhang may hugot ulit si Matet na pinost niya sa kanyang IG stories kaninang umaga.
Aniya, “Bakit kaya tuwing December, inaaway kami ng nanay namin…hahaha. 2 years ago, Kuya ko naman…hahahaha. Bakit kaya tuwing December? (emojis laughing face).”
Hato pa, “There is Peace in knowing that you will never miss out on what’s truly for you.”
May Tiktok post ding si Matet, “Re-post ko lang.. Lapag ko lang dito.. Paki intindi na lang.
Napapanahong advice para sa lahat. Nababasa ko mga messages of concern ninyo at gusto ko mag thank you!!! Ngayon lang ako nagka haters ng may social media na hahaha.
“Nakakadagdag lang ‘yun sa sakit at di ko bet na nawawala ‘yung punto ko dahil sa kabulagan ng marami.
“Marami pa kayong hindi alam. But anyway, wala naman akong pake. So, paki intindi na lang mga gusto ko talagang sabihin dito sa video na to. Have a nice day yall!”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Ms Nora Aunor o ng kampo niya.
View this post on Instagram
* * *
Hindi dapat palampasin ang back-to-back na pagtatapos ng sinubaybayang movie serye na “Suntok Sa Buwan” at ang Kantastic Finale ng “Sing Galing” sa TV5 ngayong linggo.
Matapos ang pang-intergalactic na pa-SING-laban ng mga Kantasti-Kids sa Sing Galing Kids: The Kantastic Kiddie Finale noong Sabado, December 3, tinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida-O-Kid Star ang Magnetic Kid ng Lucban, Quezon na si Emil Malaborbor.
Tuloy pa rin ang pa-SING-laban dahil kumpleto pa ang Team Galing na maglalabanan sa Team Galing Showdown ng Sing Galing! Matutunghayan ang matinding pang-SING GALING-ang performance nina Janette Larnie Mamino, Kate Gabriel, Carmela Lorzano, Rachelle Cardenas, Sean Felix, at Joy Escalante. Sino kaya sa kanila ang aabot sa dulo para sa Sing Galing The Kantastic Finale?
Abangan ang mainit na pa-SING-laban na “Sing Galing: The Kantastic Finale” na gaganapin sa EVM Convention Center at mapapanood LIVE na LIVE sa TV5 ngayong Sabado, December 10, 6PM.
Samantala, patindi nang patindi ang aksyon sa nalalapit na pagtatapos ng movie seryeng pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Elijah Canlas. Magtatagumpay kaya ang mag-amang Jimmy Boy at Dos sa kanilang misyon? Huwag palampasin ang pagdanak ng dugo, pag-agos ng luha, at pagsidhi ng emosyon sa finale episode ng “Suntok Sa Buwan” ngayong Huwebes, December 8, 7:15PM sa TV5. Maaaring mapanood ang full episodes ng mga programang ito sa Cignal Play – i-download lang ang app for FREE at mag-register para makapanood dito.
Related Chika:
Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.