Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga 'tol! Bandera

Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol!

Ervin Santiago |December 06,2022
share this

Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol!

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 09:47 AM
Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga 'tol!

Matet de Leon at Nora Aunor

INIYAKAN at talagang masamang-masama ang loob ni Matet de Leon nang kalabanin at kumpitensiyahin ng kanyang inang Superstar na si Nora Aunor ang itinayo niyang negosyo.

Feeling ng aktres ay tinraydor siya ng sarili niyang nanay nang malamang nagtayo rin ito ng gourmet tuyo at tinapa business.

Unang naglabas ng kanyang galit si  Matet sa Instagram kung saan ipinakita niya ang mga botelya ng gourmet business ng ina na may mukha pa nga ni Ate Guy sa label nito.

Sinundan nga ito ng kanyang YouTube live kung saan muli siyang naglabas ng sama ng loob laban kay Nora. Pero aniya, hindi siya sure kung ito mismo ang nagdesisyon na kalabanin ang negosyo niya o inudyukan ng taong malapit sa ina.

“Nu’ng Wednesday (November 30), natutulog ako, ang sarap ng tulog ko nu’ng hapon, grabe yung siesta. Paggising na paggising ko, si Mommy, meron siyang message sa akin.

“Siyempre kapag si Mommy nag-message sa akin, ‘Ay, nag-message si Mommy, anong kailangan ni Mommy, kailangan kong attend-an yung pangangailangan ng mommy ko.’

“Ayun, unang-una kong nakita yung mga sinend ng mommy ko na mga produkto nga niya. Naloka ako talaga, as in, nag-hyperventilate ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matet (@misismatet)


“Kasi pagdilat na pagdilat ng mata, chineck ko yung phone ko kung anong oras ako nagising, pagkita ko, yun ang message niya sa akin,” panimulang kuwento ni Matet.

“So, hindi ko pa alam kung anong rason kung bakit pa niya sinend sa akin yung pictures na yan, no, kasi hindi ko na siya gustong kausapin,” sabi ng aktres na super na-bad trip  sa ipinadalang mensahe ng ina.

“Bakit ba ako naba-bad trip nang sinend niya sa akin yung mga tuyo niya, tsaka mga tinapa niya? Kasi, meron ako nito. Meron ako nito, o, tuyo, meron din akong tinapa. Alam ni Mommy ito, alam niya ito na meron ako nito,” aniya pa.

Hindi raw agad nag-post sa social media si Matet tungkol dito dahil pina-process pa niya ang ginawa ng ina, “So, hindi ko alam kung bakit napagdesisyunan nila na gumawa ng sarili nilang brand.

“Hindi ko po talaga alam kung bakit sila gumawa ng sarili niya, okay lang. Hindi ako nag-post sa Instagram, hindi ako nag-post sa Facebook kong bago, yung Matet.

“Iniyak ko lang, tinawagan ko ang ate ko (Lotlot), tinawagan ko ang kuya ko (Ian de Leon). Pero yun nga, hindi ko para i-post pa du’n kasi family matter nga siya.

“Tsaka hindi pa naman inilabas ni Mommy. Baka mapaisip din naman si Mommy na, ‘Wag, wag ko namang gawin sa anak ko yan,’ di ba?

“E, kaso, hindi ko alam kong anong nangyari, may mga nag-post kagabi (December 3) na nakita ng asawa ko, kung saan member siya ng grupo, kung saan kasama itong napakalapit na nag-aalaga kay Mommy, kilala niyo na yan kung sino yan.

“Nag-post, nag-post, nag-post dun. Kinomentan nitong malapit kay Mommy kasi naloka yung mga tao na, ‘Ay, ano to? ‘Bat ganyan, di ba meron na si Matet niyan?'” aniya pa. Ang hula ng netizens, ang tinutukoy ni Matet na “nag-aalaga” kay Ate Guy ay ang longtime special friend nitong si John Rendez.

Pagpapatuloy pa niya, “Ito pa. Itong kapatid kong si Kenneth, kapatid ba kita? Impakto ka. Siraulo yun, e. E, hindi ko nga kapatid kasi ampon lang.

“Sabi ba naman, kung gusto daw ni Mommy magnegosyo, pabayaan ko na lang daw. Mag-resell na lang daw ako ng product ni Mommy at magtulungan kami. Bakit kami sasabihan na mag-resell na lang kami?” sumbong pa ng aktres na umaming na-diagnose siya ng bipolar disorder.

Sabi ni Matet, “How do I feel about it? I feel very sad. I feel betrayed. Para akong tinraydor. Para akong… grabe, ampon na ampon yung pakiramdam ko ngayon mga tol.

“Ang lakas makaampon nung ginawa nila. Ang lakas makaampon, damang-dama ko pagkaampon ko. Walang gagawa ng ganito sa anak nila.

“So, ibig sabihin nito, hindi talaga ako tinatratong anak. Hindi niya gagawin ito kung mahal niya kami, ngayon ko lang na-realize,” dagdag pa ni Matet.

Alam naman daw ni Matet na magagalit na naman ang Noranians sa kanya pati sa kapatid na si Lotlot. Pero kaya raw siya nagtayo ng negosyo ay dahil tumutumal ang trabaho sa showbiz.

Sa isang bahagi ng video ay tuluyan nang napaiyak si Matet lalo na nang may magsabi sa kanya na sana’y maayos na ang gusot nilang mag-ina.

“Parang hindi na ho, kasi hindi ko alam kung paano mo yan magagawa sa anak mo? Hirap na hirap kaming magkakapatid, hirap na hirap po kami. Ang ate ko, yung kuya ko, paulit-ulit na lang.

“Kapag may ginawa si Mommy sablay, tapos pumalag kami, sasabihin niyo wala kaming kuwenta. Ano ba? Anong gusto niyong gawin namin dito? I don’t understand.

“Para kaming nakatali, para kaming nakabusal na sinasampal-sampal niyong lahat.

“Nakatali kami, wala kaming puwedeng gawin, nakabusal kami, wala kaming puwedeng sabihin, sinasampal-sampal niyo kami, wala kaming kuwentang ampon,” aniya pa kasabay ng pag-amin na binlock na niya sa social media si Ate Guy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring inilalabas na official statement ang Superstar.

Isa si Matet sa apat na adopted children ni Nora, ang iba pa ay sina Lotlot de Leon, Kiko de Leon at Kenneth de Leon. Si Ian lamang ang nag-iisang biological child ni Nora sa dating asawang si Chrisopher de Leon.

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Ian sa isyu ni Lotlot: Sa totoo lang po, mga chismis lang talaga ang sumisira sa amin

True ba…Lotlot nakipag-ayos na raw kay Ate Guy; binantayan ang ina nang magkasakit?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending