True ba...Lotlot nakipag-ayos na raw kay Ate Guy; binantayan ang ina nang magkasakit? | Bandera

True ba…Lotlot nakipag-ayos na raw kay Ate Guy; binantayan ang ina nang magkasakit?

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 01:36 PM

Nora Aunor, Lotlot de Leon, Rodrigo Duterte, Matet at Ian de Leon

GOOD news para sa lahat ng fans at supporters ng nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor at anak niyang si Lotlot de Leon.

Balita kasing nagkabati at nagkaayos na ang mag-ina makalipas ang ilang taong hindi pagkakasundo at pagdededmahan, ito’y base na rin sa pagkumpirma ng ilang taong malalapit sa kanila.

Ayon sa chika, si Lotlot daw mismo ang nagbantay kay Ate Guy nang magkasakit ito noong araw na ipamahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang award para sa mga bagong National Artists ng bansa.

Hindi nga nakadalo ang Superstar sa nasabing event na ginanap sa Malacañang noong June 16, Huwebes, para personal na tanggapin ang parangal.

Ang mga anak niyang sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth ang tumanggap ng kanyang plake bilang National Artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)


Ayon sa kampo ni Ate Guy, nagkasakit ito nu’ng araw na yun at hindi pinayagan ng kanyang doktor na magtungo sa Malacañang.

At ang nag-aasikaso nga raw sa nag-iisang Superstar ay si Lotlot. Kung totoo ngang nagkaayos na ang mag-ina, napakagandang balita nito sa kanilang pamilya na matagal nang nagdarasal na magkabati na sila.

Umaasa naman ang mga Noranians na gumaling na agad si Ate Guy para makadalo sa gaganaping tribute sa mga pinangalanang bagong National Artists sa CCP sa June 29.

Narito naman ang naging acceptance speech ni Ian de Leon sa bagong parangal kay Ate Guy, “Unang-una, congratulations to our mom for bagging the National Artist recognition.

“And of course, sa mga supporters po, sa mga taong nagmamahal talaga kay Mommy, walang kasawa-sawang pagsuporta, walang kasawa-sawang pag-iintindi, pagmamalasakit, pagmamahal.

“On our mom’s behalf, we are very grateful na hanggang ngayon, nandiyan pa rin po kayo. Grabe talaga! It’s a really, really wonderful blessing. This day is given to us by our Good Lord.

“And again, sa mga supporters, sa mga nagmamahal sa mommy namin, thank you po and God bless us all. God bless us all.

“Again, Ma, congratulations! Mahal na mahal ka namin. We will always be here to support you! And makakaasa po kayo sa amin,” pahayag ni Ian.

Sabi naman ni Matet de Leon, “Diretso na kaming magde-deliver kay Mommy ngayon ng kanyang plaque.

“Sa mga fans, sobrang salamat po sa inyo sa pagmamahal po ninyo sa mommy namin na walang katapusan. Thank you, thank you so much po sa inyo. Mahal po namin kayo.”

https://bandera.inquirer.net/303012/lotlot-sa-nagsabing-napakatigas-ng-puso-niya-kay-ate-guy-wala-na-po-ba-kayo-idadagdag-sa-panghuhusga-nyo

https://bandera.inquirer.net/315785/anu-ano-ang-mga-benepisyong-matatanggap-ni-ate-guy-at-ng-iba-pang-itinanghal-na-bagong-national-artist

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285298/ate-guy-naturukan-na-rin-ng-covid-vaccine-matapos-dumaan-sa-tamang-proseso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending