Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!? Bandera

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Ervin Santiago |December 05,2022
share this

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 09:10 AM
Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Nora Aunor at Matet de Leon

HINDI namin sure kung seryoso o “it’s a prank” lang ang ipinost ni Matet de Leon sa kanyang Instagram patungkol sa kanyang nanay na si Superstar Nora Aunor.

Nakita namin ang mahabang mensahe ng aktres at dating child star sa kanyang IG account na may kaugnayan sa kanyang negosyong gourmet tinapa at tuyo.

Makikita sa nasabing post ang mga botelya ng gourmet tuyo at tinapa na may nakalagay na mukha ni Ate Guy.

Sa caption na inilagay ni Matet, mababasa ang kanyang reklamo na parang nakikipagkumpetensiya pa sa kanyang business ang inang National Artist.

“Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO,” simulang pahayag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matet (@misismatet)


Patuloy pa niya, “Nu’ng isang gabi, sinabihan ako na na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda.

“Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko.

“Alam niyang may produkto akong ganyan…Marami naman daw akong taping.

“Ano sa tingin niyo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN NIYO BA SA MGA ANAK NIYO TO?” ang pagsisintir pa ni Matet.

Naka-disable ang comment section sa IG ng celebrity mom kaya walang makapagkomento o makapagtanong tungkol sa post ni Matet.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag o reaksiyon ang nag-iisang Superstar.

Kayo dear BANDERA readers, dapat nga bang magalit si Matet kay Ate Guy o kailangang maintindihan ng dating child star ang kasabihang, “business is business”?

Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa mga National Artists kahit may sakit

Promise ni Ate Guy bilang National Artist: Patuloy pa nating isusulong ang mga pelikulang kapupulutan ng aral at inspirasyon

Lotlot de Leon todo pasalamat sa Noranians, super proud sa pagiging National Artist ni Ate Guy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending