Bong Revilla pa-yummy at fresh na fresh pa rin sa edad na 56, 'bampira' yarn: 'Hindi ako nag-steroids, no stem cells pero may maintenance na rin' | Bandera

Bong Revilla pa-yummy at fresh na fresh pa rin sa edad na 56, ‘bampira’ yarn: ‘Hindi ako nag-steroids, no stem cells pero may maintenance na rin’

Ervin Santiago |August 17,2023
facebook
share this

Bong Revilla pa-yummy at fresh na fresh pa rin sa edad na 56, ‘bampira’ yarn: ‘Hindi ako nag-steroids, no stem cells pero may maintenance na rin’

Ervin Santiago - August 17, 2023 - 10:10 PM

Bong Revilla yummy at fresh na fresh pa rin sa edad na 56, 'bampira' yarn: 'Hindi ako nag-steroids, no stem cells pero may maintenance na rin'

Bong Revilla

IN FAIRNESS, mala-bampira rin ang peg ng actor-public servant na si Sen. Bong Revilla dahil sa edad na 56 (turning 57 sa September) ay napanatili pa rin niya ang kanyang freshness at pagiging yummy.

Batambata pa ring tingnan ngayon ang asawa ni Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado at napatunayan namin yan nang muli namin siyang makaharap at ng ilan pang members ng entertainment media kanina.

Ngayong Agosto kasi ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong ang kanyang ika-50 anibersaryo sa showbiz. Magkakaroon siya ng grand anniversary celebration na isasabay na rin sa kanyang ika-57 kaarawan sa September 25, na gaganapin sa Okada Manila.

Abot-langit ang pasasalamat ng action star sa lahat ng blessings na patuloy niyang natatanggap mula noon hanggang ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Siyempre, hiningan ng reaksyon ang senador kung ano ang sikreto at tila hindi nga siya tumatanda, “I’m turning 57, but in my heart, I’m only 37. Hindi ako nag-steroids, yung sinasaksak sa katawan. No stem cells.

“I wish I could para mas lalakas pa ako. Nagpapa-check ako ng katawan pero Vitamin C meron. Nagpapa-derma rin ako pero ang tagal ko na rin hindi pumupunta ng derma. May allergy nga ako ngayon sa food.

“Losing too much weight ang tendency is dehydrated ang balat mo. Nagsa-suffer ang skin mo,” ang chika ni Bong.

Dagdag pa niya, “Diet ko? More on chicken ako. Minsan nadadaya na rin but I really have to control my diet. Ayoko ng lumalaki yung tiyan at wala na akong bilbil. May maintenance na ako. Kailangan na yan sa age natin.

Baka Bet Mo: Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’

“Mahirap na tayong magbakasakali baka biglang may mangyari. Hindi na ako bata. Mukha lang tayong bata. Ang wife ko (Lani) ngayon payat dahil sinasabayan niya yung aking kabataan. Nai-inspire rin ang aking maybahay,” sabi pa ni Sen. Bong.

Samantala, abangan naman sa Sunday, August 20, ang finale ng kanyang weekly romcom-action series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Sa nakaraang episode noong August 13, napanood ang special participation nina Cong. Lani, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, at Kapuso comedy genius na si Michael V.

Talagang tinutukan ng mga manonood ang 11th episode ng serye lalo na ang eksena nina Bong, Lani at Bato. Gumanap si Sen. Bato bilang heneral nina Tolome habang si Lani naman ang “matinik na misis” nito.

At ito pa ang good news, magkakaroon din ng bonggang papremyo sa kanyang Facebook page sa Sunday ang senador kabilang na ang laptop, cellphone at cash prizes.

Kasabay din nito ang magaganap na gender-reveal ng first baby ng anak niyang si Jolo Revilla at asawa nitong si Angelica na nasa first trimester na ngayon ng pagbubuntis.

Tutok na sa finale ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”, sa Linggo, 7:15 p.m., sa GMA 7. Kasama pa rin dito sina Beauty Gonzalez at Max Collins.

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong Revilla 50 years na sa showbiz, inalala ang kabilin-bilinan ng ama: huwag na huwag mali-late sa shooting, maging professional

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending