Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: 'Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga' | Bandera

Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: ‘Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga’

Alex Brosas |June 13,2023
facebook
share this

Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: ‘Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga’

Alex Brosas - June 13, 2023 - 07:25 AM

Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: 'Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga'

Rendon Labador at Andrea Brillantes

NA-BASH nang husto ang controversial motivational speaker na si Rendon Labador when he lambasted “Drag you and Me” lead star Andrea Brillantes sa kanyang Facebook account.

Nag-post si Rendon ng photo ni Andrea na may message na ganito: “Motivation para sa lahat ng iniwan…’Career muna bago landi’. #stayMotivated,” say pa niya sa caption.

Siyempre, hindi ito pinalampas ng fans and supporters of Andrea. Talagang kaliwa’t kanang bash ang inabot ni Rendon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Para ka naman hindi dumaan sa pagkakaroon ng relasyon, Rendon tsk tsk tsk… Kung sabagay, di ka naman KAMAHAL-MAHAL!WAG KANG MANGEALAM SA IBA!”

“Kaya nga eh. Bakit tahimik lang ngayon si Blythe? Syempre, tao lang din yan, nasaktan din, gaya din natin, nagmahal, nagkamali, nagpakatanga lang. Ewan ko ba sa Ricci na yun. So let them heal na lang, at sana yang Rendon LaBAKLA na yan, wag nang mangealam!”

“Lahat ng isyu pinanghimasukan na ni Rendon Labador pero never nanghimasok sa Problema ng Pilipinas. Sharekolang.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador sa mga kumampi kay Michael V: Totoo naman na laos na kayong lahat! Pasalamat nga kayo na sinabi ko pa!

“Okay ang career nya lalo na business nya sana sayo din. Hayaan natin sya matuto sa ibang bagay. Parte ng buhay.”

“Yung motivational rice mo nalang atupagin mo, Wag kana makialam sa buhay ng iba.”

“Bat kAse pinoproblema nya yung buhay ng ibang tao, may sarili syang buhay kaya buhay nya dapat yung pake alaman nya wag yung buhay ng ibang tao !!!”

“Hindi ka naman talaga motivational speaker, pakialamero ka lang talaga.. Imbis good unsolicited advise dapat ibigay mo kasi mas matanda ka, eh pakikialam lang ginawa mo. Ewan ko sayo Rendon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)


“Lahat ng isyu pinapapak para makapag padami ng follower iton si Rendon Labada Labador Piro dpa Binunyagan.”

“Galit k sa ginawa ni Toni fowler binaba nya dignidad ng kababaihan eh ikaw binastos ang ang isang babae sa salitang landi..my God nkipagbreak lng o nagbreak lng landi n agad.”

“LAHAT NG ISSUE PINAPANSIN MO , PAPANSIN KA HANO! DIKA SIGURO LOVE NG FAMILY MO.”

In fairness to Andrea, wala itong ipino-post na anumang message na may kinalaman sa kanyang lovelife.

Inamin ni Ricci Rivero na hiwalay na sila ni Andrea at siya itong palaging may aria about their failed relationship samantalang ng bida ng “Drag You & Me” ay tahimik lang.

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michael V tinira-tira ni Rendon Labador: ‘Masakit na katotohanan na laos na kayo WE CONTROL THE MEDIA NOW!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending