Rendon Labador binasag ng content creator na si Jack Logan dahil sa motivational rice: 'Mali ang manukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo' | Bandera

Rendon Labador binasag ng content creator na si Jack Logan dahil sa motivational rice: ‘Mali ang manukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo’

Ervin Santiago |April 09,2023
facebook
share this

Rendon Labador binasag ng content creator na si Jack Logan dahil sa motivational rice: ‘Mali ang manukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:11 AM

Rendon Labador binasag ng content creator na si Jack Logan dahil sa motivational rice: 'Mali ang manukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo'

Rendon Labador at Jack Logan

KINONTRA rin ng matapang na content creator na si Jack Logan ang pinag-uusapang “motivational rice” ng social media personality na si Rendon Labador.

Nag-viral ang ibinebentang pandan rice sa restaurant na pag-aari ni Rendon na nagkakahalaga ng P100 bawat serving. Napakamahal naman daw ng presyo nito at hindi na makatarungan, ayon sa mga netizens.

Paglalarawan naman ni Rendon na isa ring motivational speaker, ang kanyang kanin daw ay simbolo ng mga taong hindi sumusuko at patuloy na nakikipaglaban sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Mindset ng karamihang pinoy, kung hindi mo afford gagawa ka nalang ng mga excuses sa buhay at isisisi sa ibang tao ang failure mo.

“Gusto ninyo isinusubo nalang lahat sa inyo ang tagumpay. LUMABAN KA at pilitin mong umangat sa buhay para yung MAHAL sayo ngayon ay maging MURA balang araw.

Baka Bet Mo: Marc Logan ikinasal na sa longtime partner after 18 years, bigating celebs kinuhang ninong at ninang

“Again, this is not to discriminate but a wake up call para itaas mo ang standards mo! Gamitin mong MOTIVATION yan!!! #StayMotivated,” ang pahayag ni Rendon patungkol sa kanyang kanin.

Bwelta naman ni Jack Logan kay Rendon, hindi tamang gawing sukatan ng pagkatao ang ibinebenta niyang rice sa kanyang resto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jack Logan (@jackloganshow)


“Walang problema na magbenta ka ng kanin kahit isang libo pa ang presyo. Ang mali ay nanunukat ka ng tao dahil lang sa pesteng kanin mo,” simulang pahayag ni Jack.

Patuloy pa niya, “Afford mo nga ang extra rice, pero wala ka namang kasalo. Dami mo ngang pambili, pero inutang mo lang sa ibang tao.

“Mayamang negosyante ka nga, alipin ka naman ng mga investors mo. Motivational nga yung kanin mo pero lalabas yung taong nagkakamot ng ulo,” ang punto pa ng socmed personality.

Nauna nang binasag ni Jack Logan si Rendon dahil sa pagtuligsa nito kay Coco Martin, sa isyu ng pagsu-shooting ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakaistorbo raw sa mga vendors sa Quiapo, Maynila.

Kim, Vice inalala ang pinagdaanang hirap sa buhay; naranasan ding mag-ulam ng toyo, ketchup

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending