Rendon Labador binanatan dahil sa P100 'motivational rice' sa pag-aaring resto: 'Seryoso? Pang-2 kilong bigas na ang presyo?' | Bandera

Rendon Labador binanatan dahil sa P100 ‘motivational rice’ sa pag-aaring resto: ‘Seryoso? Pang-2 kilong bigas na ang presyo?’

Ervin Santiago - April 04, 2023 - 06:47 AM

Rendon Labador binanatan dahil sa P100 'motivational rice' sa pag-aaring resto: 'Seryoso? Pang-2 kilong bigas na ang presyo?'

Rendon Labador

FEELING ng mga netizens ay nagpapapampam na lang at gumagawa ng ingay ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador.

Komento ng mga Facebook followers ni Rendon, parang nabawasan na ang credibility nito bilang motivational speaker at life coach dahil sa pag-iingay at pagpapakakontrobersyal nito sa social media.

Kamakailan ay kumalat sa socmed ang isang litrato kung saan makikita ang presyo ng mga pagkain at drinks na nasa menu ng bagong bukas niyang bar and resto na nabalitang nalugi nu’ng opening day nila ilang araw na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Wala kasing bumili ng tickets (para sa special show) sa unang araw ng kanilang pagbubukas at ang sinisi ni Rendon ay ang mga fans ni Coco Martin na nagalit sa kanya dahil sa pambabatikos nito sa seryeng “Batang Quiapo.”

Inirereklamo ngayon ng mga netizens ang nakakalokang presyo ng single serving ng steamed pandan rice sa resto ni Rendon na tumataginting na P100 na tinawag nilang “motivational rice.”

Ni-repost ni Rendon ang isang article tungkol sa presyo ng kanilang kanin at nilagyan ng caption na,  “Mindset ng karamihang pinoy, kung hindi mo afford gagawa ka nalang ng mga excuses sa buhay at isisisi sa ibang tao ang failure mo.

“Gusto ninyo isinusubo nalang lahat sa inyo ang tagumpay. LUMABAN KA at pilitin mong umangat sa buhay para yung MAHAL sayo ngayon ay maging MURA balang araw.

“Again, this is not to discriminate but a wake up call para itaas mo ang standards mo! Gamitin mong MOTIVATION yan!!! #StayMotivated,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Mukha nina Barbie at David bumandera sa Rice Paddy Art; Ashley tuloy ang laban kahit madapa, matumba at masugatan

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga nakabasa sa mensahe ni Rendon, narito ang ilan sa mga comments ng netizens.

“Khit nmn may pambili ako at pambayad.. bkit ko nmn d namnamin ang pinambayad ko? 100 for extra rice so paano pa ang ibang menu?! Pra sa place na may bar, billards at banda…
Eh mas worth ikain qng pera ko sa place n relax ako, naeenjoy ang bawat subo.
Motivational speaker, imotivate hindi laitin.”

“Siya: Pagbutihin mo, para kaya mo makabili ng 100 per cup na rice. Yan ang motivation mo.

“Sila: Maging practical. Kahit may pambili ka, maging matalino sa paggastos.”

“I don’t always agree with Rendon, but people seem to be criticizing him without a good reason. As for the price of his rice, I don’t think it’s a problem because he’s running a business to make a profit, not to give things away for free. That’s just how businesses work.”

“I used to admire you but now parang nagiging comedy na lang. Magkaiba yung nangmomotivate sa nanglalamang ng kapwa.”

“I can be motivated by something that’s motivational! But not at the expense of your RICE!”

“By the way, I must thank you, FYI dude, For the other side of you, I was once motivated!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“100 grabe yung rice mo. Mukha pang malata yang motivational rice mo… Kaya pala nalugi agad ang restobar mo sa mahal ng presyo… Yung standard or target market mo kasi pang milyonaryong tao… Mas maganda pa rin yung kahit maliit ang income na pumapasok sure na ping hirapan at pinag sikapan mo.”

“Kanino tayo mas maniniwala dyan?”

“Anak ng bubuyog na Jr. presyo ng kanin? 100 pesos? seryoso ka? tapos magtataka ka kung bakit walang tao? Eh, pang 2 kilo ng bigas presyo niyan eh.”

“Presyong America?”

“Ano yan gold rice?”

Last Friday, March 31, ibinandera rin ni Rendon na muling magbubukas ang kanyang resto at lahat daw ng fans ni Coco Martin ay libre na sa entrance with unli drinks pa.

“Sa lahat ng Coco fans ililibre ko na ang entrance ninyo at free unlimited drinks pa!” sabi ni Rendon na nalugi raw matapos gumastos ng P1.2 million para sa opening ng kanyang resto.

Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Celebs apektado sa hugot ni Mimiyuuuh: ‘Kakapagod rin po mag-motivate, kayo naman mag-motivate sa akin para it’s a tie’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending